Umpisa na ang paghahanda para sa halalan sa 2013 bunsod ng pag-aanib ng PDP-Laban ni Bise Presidente Jejomar Binay at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Pangulo Joseph 'Erap' Estrada, na umani rin ng sari-saring reaksyon sa mga kalabang pulitiko dahil umano sa magiging impluwensya nito sa takbo ng pulitika sa bansa.
Bukas (Abril 24) sa "Patrol ng Pilipino," aalamin ni Ron Gagalac ang umano'y epekto ng alyansa nina Erap at Binay, na tinatawag na UNA o United Nationalist Alliance, sa paparating na botohan mula sa mga political analyst at miyembro ng iba't ibang partido tulad ng LAKAS, Nacionalista, National People's Coalition, at ang Liberal Party ng pangulo.
Ayon pa sa ilan sa kanila, maiimpluwensyahan din daw ng pagbubuo ng UNA hindi lang ang eleksyon kundi ang mismong impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Naimbitihan na rin ng UNA ang ilang maaaring kandidato nila sa darating na eleksyon tulad nina Joey de Venecia III, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, at Francis Escudero. Sinu-sino pa nga ba ang napapabalitang pulitikong aanib sa mas pinalakas na alyansa nina Erap at Binay?
Samantala, pag-aaralan naman ni Gretchen Malalad ang Krav Maga, isang makabago at nauusong self-defense sport mula Israel na maaaring gamitin ng mga bata at kababaihan sa pagtatanggol ng kanilang sarili.
Alamin ang kwento sa likod ng mga balita bukas (Abril 24) sa "Patrol ng Pilipino" pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment