Nagtipun-tipon ang mga beachlovers/moviegoers sa White House Beach Resort sa Station 1 ng Boracay kamakailan upang tunghayan ang kapana-panabik na libreng beach screening ng multi-awarded na "Ang Babae Sa Septic Tank" na handog ng numero unong cable channel sa bansa na Cinema One.
Sina John Lapus at Cai Cortez ang siyang mga hosts ng pagdiriwang, kung saan daan-daan ang dumagsa. Makukulay na lampara at mga throw pillows ang ginamit bilang dekorasyon para sa kumportableng panonood. Inobserbahan din ng Cinema One sa nasabing okasyon ang Earth Hour kung saan pansamantalang pinatay ang mga kuryente. Ang pre-show naman ay binigyang-buhay ng tugtuging hatid ng Island Rhythm Force percussion band, at ng mga fire dancers na nagbigay-aliw hanggang bago simulan ang pelikula.
Sa muling pagbabalik ng kuryente sa lugar, game na game na nakihalubilo ang mga Kapamilya stars at beach hotties na sina Jake Cuenca, Megan Young at Kean Cipriano sa mga tagahanga, handog ang mga masasayang palaro't papremyo mula sa mga sponsors.
Hindi man nakadalo sa selebrasyon ang bida sa "Ang Babae Sa Septic Tank" na si Eugene Domingo, isang mensahe sa video ang kanyang iniwan na talaga naman ikinatuwa ng mga manonood. Paliwanag ng aktres na abala siya ngayon sa pagsho-shoot ng sequel ng "Kimmy Dora."
"Alam naman nating walang sinehan dito sa Boracay kaya talagang inaabangan namin ang outdoor screening events ng Cinema One na libre pa," ani ng isang manonood na resident eng Boaracay.
"Mahal talaga namin si Eugene. Sobrang nakakatawa talaga siya. Inaabangan na namin ang Kimmy Dora," sabi naman ng isang turista mula sa Maynila.
Pagkatapos ng screening, isang mini concert ang pinangunahan ni Kean at ang kanyang bandang Callalily. Mainit ang naging pagtanggap ng mga kababaihan sa kanilang idol na walang tigil nilang tinilian.
Tinuloy ang pagdiriwang sa walang humpay na Top 40 hits na hatid ni DJ Mars Miranda.
Para sa iba pang impormasyon sa mga events ng Cinema One at airing schedule nito, i-like ang Facebook page nitowww.facebook.com/Cinema1channel o sundan sa Twitterwww.twitter.com/cinema_one. Ang mga co-presentors ng pagdiriwang ay ang Purefoods Drummets at Nestle Fruit Selection Yogurt. Major sponsors naman ang The Generics Pharmacy, Century Bangus, The Bar, Dolfenal, pH Care, Paoay Tourism and Close Up habang minor sponsor ang Fiber and Fruit. Katulong naman sa pagsasakatuparang ng event ang RB106 Radio Boracay Philippines, Suds Market at Yellow Cab Pizza Company.
Ang Cinema One (SkyCable Channel 56) ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators sa buong bansa. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment