Kahit na mga palengke lamang ang umano'y target ng demolisyon kamakailan sa Silverio Compound sa Paranaque, nagtayo pa rin ng barikada ang 28,000 pamilyang nakatira sa lugar sa takot na baka mga bahay na nila ang susunod na puntiryahin ng operasyon.
Bukas (May 1) sa "Patrol ng Pilipino," tututukan ni Jeck Batallones ang mga residente ng Silverio Compound na talaga namang natensyon sa nagbabantang paggiba ng kanilang mga bahay.
Anu-ano ang kanilang mga hinaing? Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban para sa tahanang pinaghirapang nilang buuin?
Samantala, bibiyahe naman si Jenny Reyes patungong Ilocos Sur upang alamin ang nakakaperwisyong epekto ng pagmimina ng itim na buhangin ng mga Taiwanese doon. Ayon sa mga residenteng naninirahan doon, nauubos na ang mga likas na yaman sa lugar kasabay ng pagliit ng kanilang tabing dagat.
Alamin ang kwento sa likod ng mga balitang ito bukas (May 1) sa "Patrol ng Pilipino" pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment