Simula Lunes (Abril 30), isang mas siksik na "It's Showtime" ang mapapanood ng madlang people araw-araw sa ABS-CBN!
Siksik sa glling ng pamilyang Pinoy at punung-puno ng pusong mga kwento ng mga solid Showtimers ang ihahatid tuwing 11:30 a.m.
Bibida ang pamilyang Pinoy sa pinakabagong pasiklaban ng talent sa "It's Showtime" tampok ang lima hanggang 25 miyembro ng mag-anak – mula kina lolo't lola, nanay at tatay, hipag, bayaw, biyenan, pinsan, tiyuhin at tiyahin, ate, kuya hanggang kay bunso!
Mula sa nakakaaliw na intro hanggang sa pabilisang physical game hanggang sa pasiklaban ng talent—magkakasukatan ng tunay na galing ng pamilyang Pinoy para pabilibin ang madlang people.
Tuloy-tuloy pa rin ang masayang aktingan at buhos ng papremyo sa "Sine Mo 'To" at "Arte Mo."
Mas aapaw pa ang saya dahil isang milyong piso ang naghihintay sa maswerteng maglalaro sa pinakabagong jackpot game sa noontime na malapit nang ilunsad.
Tampok naman ang mga nakakaantig na kwentong-buhay at katuparan ng mga pangarap at simpleng hiling sa "Dear Showtime Family."
Samantala, wagi naman ang grupong Bacolod Masskara para sa kanilang nakamamanghang performance sa "The Finals: Inter-Town Edition" noong Sabado (Abril 28) laban sa pito pang grupong katunggali. Nakakuha mula sa mga hurado ng buong 10 na average score ang groupo na mistulang dinala ang Masskara Festival sa studio ng "It's Showtime" at nagkamit ng P2 milyon at P1 milyon para sa kanilang lugar na pinanggalingan.
Tutok na sa mas pinabongga at mas unkabogable na noontime show mula sa ABS-CBN tuwing 11:30 – "It's Showtime!" By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment