Sa 'Pam Pabaya at Ang Mahiwagang Gold Fish' episode, bibigyang buhay ni Xyriel ang karakter ni Pam, isang batang naging pabaya sa kanyang mga alagang hayop dahil sa pangungulila sa inang nagtatrabaho sa ibang bansa. Nang pagkalooban ng isang mahiwagang goldfish na nakapagbibigay ng mga butil ng ginto, aabusuhin niya ito sa paniniwalang ang karangyaan ang makapagbubuo ng kanilang pamilya. Epekto nga ba ng kapabayaan ng kanyang mga magulang ang pagiging pabaya ni Pam?
Makakasama ni Xyriel sa episode sina Alfred Vargas, Valerie Concepcion, Wendy Valdez, at Beverly Salviejo. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Francis Pasion at direksyon ni Jerome Pobocan.
Ang "Wansapanataym" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang month-long special ni Xyriel sa "Wansapanataym," pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment