Pinangalanan na ng ABS-CBN FM station sa Mega Manila na Tambayan 101.9 ang mga nominado para sa kanilang taunang Tambayan OPM Music Awards, na pinangunahan nina Angeline Quinto, Kamikazee, Vice Ganda, at Erik Santos bilang may pinakamaraming nominasyon. Kasabay nito, pormal na ring binuksan ang botohan na siyang basehan kung sino ang magwawagi.
Mas pinalaki na nga ang TOPMA ngayong taon dahil sa pakikipag-partner ng Tambayan 101.9 sa lahat ng 16 M.O.R. station nga ABS-CBN Regional Network Group sa bansa para himukin ang mas maraming tagapakinig ng radyo na iboto ang kanilang paboritong kanta o music artists.
Nakakuha ng limang nominasyon ang "Star Power" grand winner na si Angeline Quinto para sa mga kategoryang Song of the Year, Album of the Year, Female Artist of the Year, OPM Revival, at Best New Artist categories. Sinundan naman siya ni Erik Santos at Vice Ganda na mag tig-tatlong nominasyon.
Isang bagong kategorya naman ang ipinakikilala ng TOPMA ngayong taon at ito ay ang Phenomenal Entertainer of the Year kung saan unang maglalaban laban sina Yeng Constantino, Vice Ganda, Toni Gonzaga, at Anne Curtis. Nominado din ang awitin ng tinaguriang concert sweetheart na "Tinamaan Ako" para sa Song of the Year mula sa kanyang platinum album na "Annebisyosa."
Samantala, muling bibigyan ng parangalan ng Tambayani 2011 ang isang artist o songwriter na malaki ang naiambag sa OPM industry. Unang ginawaran ng Tambayani award ang yumaong master rapper na si Francis M. noong 2010 na sinundan ni Charice noong 2011.
Para bumoto, i-type lang ang TAMBAYAN<space>1-37 at ipadala sa 2331 para sa Globe at Sun subscribers at 231 para naman sa Smart subscribers. Extended ang botohan hanggang June 24. Para sa karagdagang impormasyon kung paano bumoto ay bumisita lang sa www.tambayan1019.com
Ang mananalo sa TOPMA ay papangalanan sa darating na June 30, 2012.
Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng pagkilala sa husay ng Pinoy sa musika ang TOPMA. Kamakailan lang ay pinarangalan ito ng Anvil award ng prestihiyosong Public Relations Society of the Philippines (PRSP) para sa matagumpay nitong pagkilala sa OPM artists at sa paggawa paraan para makahalubilo ng mga DJ ng istasyon ang masusugid nitong tagapakinig sa mismong gabi ng parangal.
Heto ang kumpletong listahan ng nominado at kung ano ang itetext para sila ay iboto:
SONG OF THE YEAR:
Patuloy Ang Pangarap by Angeline Quinto (TAMBAYAN 1);
Gisingin Ang Puso by Liezel Garcia (TAMBAYAN 2);
Tinamaan Ako by Anne Curtis (TAMBAYAN 3)
Kulang Ako Kung Wala Ka by Erik Santos (TAMBAYAN 4);
Porque by Maldita (TAMBAYAN 5);
Halik by Kamikazee (TAMBAYAN 6)
ALBUM OF THE YEAR:
Patuloy Ang Pangarap from Angeline Quinto (TAMBAYAN 8);
I'm Already King from Christian Bautista (TAMBAYAN 9);
Dalawang Mukha Ng Pag-ibig from Ebe Dancel (TAMBAYAN 10);
Awit Para Sa'yo from Erik Santos (TAMBAYAN 11)
FEMALE ARTIST OF THE YEAR:
Angeline Quinto (TAMBAYAN 12);
Sarah Geronimo (TAMBAYAN 13);
Liezel Garcia (TAMBAYAN 14);
Toni Gonzaga (TAMBAYAN 15);
Juris (TAMBAYAN 16)
MALE ARTIST OF THE YEAR:
Sam Milby (TAMBAYAN 17);
Erik Santos (TAMBAYAN 18);
Christian Bautista (TAMBAYAN 19);
Ebe Dancel (TAMBAYAN 20);
Vice Ganda (TAMBAYAN 21)
BAND OF THE YEAR:
Maldita (TAMBAYAN 22);
Sponge Cola (TAMBAYAN 23);
Mayonnaise (TAMBAYAN 24);
Kamikazee (TAMBAYAN 25);
Parokya ni Edgar (TAMBAYAN 26);
BBS feat. Kean (TAMBAYAN 27)
OPM REVIVAL:
Dahil Mahal Kita by Jovit Baldivino (TAMBAYAN 28);
Gaano Ko Ikaw Kamahal by Itchyworms (TAMBAYAN 29);
Nang Dahil Sa Pag-ibig by Bugoy Drilon (TAMBAYAN 30);
Bakit Ngayon Ka Lang by Marcelito Pomoy (TAMBAYAN 31);
Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin by Angeline Quinto (TAMBAYAN 32)
BEST NEW ARTIST:
Paula Bianca (TAMBAYAN 33);
Bryan Termulo (TAMBAYAN 34);
Angeline Quinto (TAMBAYAN 35);
Zia Quizon (TAMBAYAN 36);
JM De Guzman (TAMBAYAN 37)
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment