Sisiyasatin ni Ron Gagalac ang lumalalang problema sa himpapawid sa Pilipinas na siyang dahilan ng pagkaantala at kanselasyon ng napakaraming flights sa iba't ibang airports sa bansa at reklamo ng mga biyahero ngayong Martes (Mayo 22) sa "Patrol ng Pilipino."
Ayon sa datos ng Department of Transportation and Communication, lumobo ang bilang ng mga biyaherong gumagamit ng eroplano simula nang nagmura ang pamasahe sa paglipad. Kasabay nito ay ang kakulangan ng paliparan para tugunan ang dami ng bilang ng flights sa bansa.
Bibiyahe si Ron patungong Davao kung saan may pinakamaraming flight sa Pilipinas. Siya mismo ay dumanas ng higit dalawang oras na pagkaantala sa flight papunta at 45 minuto naman pauwi. Ang mga pangyayaring tulad nito ang nagbansag sa Ninoy Aquino International Airport bilang 'worst airport' sa buong mundo.
Kaya pa bang baguhin ng NAIA ang ganitong imahe? Ano ang mga plano ng gobyerno at airline companies para malunasan ang lumalalang problema sa himpapawid?
Samantala, sisisirin naman ni Atom Araullo ang Tubbataha Reef, isang World Heritage Site ng UNESCO at binansagang ikawalo sa pinakamagandang dive sites sa buong mundo ayon sa CNN.
Pakatutukan ang "Patrol ng Pilipino" ngayong Martes (Mayo 22) pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment