Summer at musika ang inihahandog ng Chalk ngayong Mayo at sa cover ng numero unong campus magazine sa bansa ay walang iba kundi si Enchong Dee. Suot ang board shorts at striped t-shirts, naglayag si Enchong sa Hong Kong. Sa cruise ship dinaos ang kanyang photoshoot at bagaman malamig ang hangin ay ininda ito ni Enchong suot lamang ang kanyang nautical themed summer outfits.
Natapos ni Enchong ang summer-happy cover ng Chalk ng walang kahirap-hirap. Ayon sa stylist na si Sidney, professional si Enchong; madali siyang ka-trabaho at marunong siyang umanggulo sa camera. Alamin ang kabuuan ng shoot pati ang kanyang exclusive interview sa "The Boy Who Could," isang espesyal sa buhay, career at mga pangarap ni Enchong. Mababasa din ang tungkol sa dream girl ni Enchong na si Julia Montes.
Laman din ng magazine ang Music Special kung saan namamayagpag ang OPM sa puso ng mga musikerong Pilipino tulad nina Bamboo Manalac, Zia Quizon, ang Fil-Brit Reality TV star na si Charlie Green at YouTube sensations na sina Krissy at Ericka at marami pang iba! Bibigyan din tayo ni Saab Magalona ng ideya sa pakikipag-date sa isang musician at dadalhin tayo ng Chalk sa kapanapanabik na Music Festival sa Jakarta, Indonesia.
At para sa mga naghahanap ng perfect na summer outfit, kumuha ng inspirasyon mula sa mga sikat na singer sa buong mundo tulad nina Adele, Ke$ha at Katy Perry. Lahat ng 'yan at marami pang iba dito lang sa May isyu ng Chalk Magazine, mabibili na sa mga newsstands. Para sa mga updates, i-follow ang Chalk sa Twitter (@chalkmagazine) at i-like ang kanilang Facebook page (www.facebook/chalkmagazine) By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment