Inamin ng aktres na si Valerie Concepcion ilang linggo pa lamang ang nakakaraan na nagpropose na sa kanya ang basketball player boyfriend na si Dondon Hontiveros pero sinabi ni Valerie na hindi pa sya handa.
Sinabi ni Valerie sa isang panayam na titignan nalang nila sa hinaharap kung doon ba papunta ang kanilang relasyon ngunit sa ngayon ay hindi pa niya ito iniisip.
"Bago kami nagkabalikan, 'yun ang kinukulit niya sa akin, 'yung kasal...Hindi pa ako ready," ani ng aktres.
Samantala, kung ayaw pa ni Valerie magpakasal, siya namang kabaligtaran ni Tol (Robin Padilla) sa "TODA Max" ngayong darating na Sabado kung saan guest si Valerie kasama si Dominic Ochoa.
Sa episode ng "TODA Max", kakausapin ni Tol ang namayapa niyang asawa kung pwede na ba siyang umibig muli; nangangailangan ang kanyang mga anak na si Sandy (Aaliyah) at Ron Ron (Izzy) ng ina na susuporta sa kanila.
Mukha naman umoo ang kanyang misis ng makakita si Tol ng babaeng hawig na hawig ng namayapang misis. Sino ang misteryosong babaeng ito? Siya na kaya ang babaeng hinahanap ni Tol?
Tunghayan ang "TODA Max," pagkatapos ng "Maalaala Mo Kaya" sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-like ang TODA Max sa Facebook:http://www.facebook.com/pages/Todamax By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment