Mabibili na sa May 28 (Lunes) sa record bars nationwide ang debut album ng Kapamilya teen heartthrob na si Daniel Padilla, na may titulong "Hinahanap-Hanap Kita."
Mula sa telebisyon, sa kanyang kauna-unahang album naman magpapakilig ng kanyang fans si Daniel. Aniya, "Dream ko po talagang magkaroon ng album pero hindi ko inakala na magkakatotoo, kaya masarap po ang feeling at talagang ine-enjoy ko na 'yung chance para sa fans ko na rin."
Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok sa album ang anim na awiting tiyak na bibihag sa puso ng mga 'Danielistas' at maging ng fans nila Daniel at Kathryn Bernardo na leading lady niya sa kasalukuyan sa top-rating 'royal teleserye' ng ABS-CBN na "Princess and I."
Bukod sa carrier single niyang "Hinahanap-hanap Kita," bahagi rin ng album ang mga kantang "Pagsubok," "Paniwalaan Mo," "Prinsesa," "Grow Old With You," at "Ako'y Iyo Ika'y Akin Lamang" na idini-dedicate raw ni Daniel kay Kathryn.
Ang tracks ng "Hinahanap Hanap Kita" album ay maari na ring ma-download sawww.starrecords.com.ph, www.mymusicstore.ph, at sa iTunes sawww.amazon.com.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment