Bibigyan ng nangungunang anime channel sa bansa, ang Hero TV ang kanilang mga manonood ng explosibong karanasan ngayong buwan ng Mayo. Ang kanilang handog na mga bago at nagbabalik na mga palabas ay magpapayaman sa imahinasyon. Abangan ang kanilang mga palabas , ang locally produced shows at ang Hero Theatrixx movies.
Naka-dub bilang ang "Flash of May," sisimulan ng Hero TV ang pagdiriwang nito ngayong buwan sa pamamagitan ng premiere ng mga inspirational na "Hanasaku Iroha" sa Mayo 17(Huwebes), "Jigoku Shoujo Season 2" sa Mayo 14 (Lunes) at Puzzling "Shiki" sa Mayo 20 (Linggo).
Ang kwento ng "Hanasaku Iroha" ay umiikot sa isang babae na pinangalanang Ohana. Siya ay nakakaranas ng mga hirap sa buhay sa batang edad. Ngunit sa kabila ng mga problema ay sinubukan nyang maging masaya. Sundan si Ohana sa "Hanasaku Iroha," araw araw tuwing 9:00 a.m. na may mga replays tuwing 5:30 a.m., 11:30 a.m. at 5:30 p.m.
Sa pangalawang season ng "Jigoku Shoujo," patuloy ang pakikipagsapalaran ni Ai bilang si "Hell Girl". Makikilala ni Ai ang isang batang babae na si Kikuri na may pinapakitang kakaibang intension sa ating bida. Subaybayan ang misteryosong si Kikuri at ang layunin nya kay Ai sa "Jigoku Shoujo Season 2" araw araw ,7:30 p.m. na may mga replay tuwing 1:30 a.m., 05:00 at 12:00.
Ang "Shiki" sa kabilang banda ay ihahayag ang kwento ng Sotoba, isang maliit na siyudad na may 1,300 na residente. Magkakaroon dito ng mga misteryosong pagkawala ng mga residente at kung ano ano pang mga kakaibang pangyayari. Maari kaya na ang dahilan nito ay ang pamilyang Kirishiki na kamakailan lamang lumipat sa Sotoba? Alamin sa "Shiki" tuwing Sabado at Linggo 2:00 a.m., 11:30 a.m. at 8:30p.m.
Kabilang sa mga dapat abangan ang mga bumabalik na "Reborn," "Code Geass," "Gintama Season 2", "Needless," "Persona Trinity Soul," "Major Season 6," "New Captain Tsubasa Road to 2002," "Mission E," "Hana Yori Dango," " Kyoshiro" at ang "Eternal Sky."
Dalawang top-grossing na pelikula tulad ng "Superior 8 Ultraman Brothers" at "Megamonster Battle Ultra Galaxy: The Movie" ang ipapalabas din sa Hero Theatrixx.
Ang Season 2 ng locally produced na "My Hero Nation" ay nalalapit na ang pagtatapos ngunit hindi nagtatapos ang saya at pakikipagsapalaran sapagkat magbibigay ang programa ng isang exclusive interview na itinatampok ang international comic artist na si CB Cebulski. Ang host ng palabas na si Dino Imperial at Kakki Teodoro ay magbibigay buhay sa mga karakter ng Naruto Shippuden sa Dubbing Academy.
Isa pang local show na humuli sa ating atensyon ay ang "Great Hero Otaku Adventure" na nagpapatuloy sa Face-Off battle nina Ito at Randy. Sino ang magwawagi sa ibat-ibang hamon upang mapanalunan ang puso ni Noriko? Alamin sa third arc ng palabas.
Ang Hero TV ay bahagi ng kampanya ng ABS-CBN para sa "Bida Best Kid" na inilunsad kamakailan. Ito ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga bata na maging kung sino man ang kanilang naisin at maging pinakamahusay sa kanilang mga gawain. Hindi lamang sila pinapasaya ng mga palabas na values-oriented at child friendly mula sa Hero TV ngunit ito rin ay sumusuporta sa kanilang mga pangarap. Para sa karagdagang impormasyon, mag-logon sa www.myheronation.com o www.bidabestkid.com By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment