Susuriin ni Ted Failon ang mga isyung bumabalot sa demolisyon sa Kamaynilaan tulad na lang ng pagdami ng tinatawag na "professional squatters" sa "Failon Ngayon" ngayong Sabado (May 5)
Ayon sa tala ng Metro Manila Inter-Agency Committee on Informal Settlers (MMIAC), mahigit 544,609 ng mga sambahayan sa Metro Manila ay kabilang sa mga iskwater, at dahil ang bilang na ito ay palaki nang palaki ang ginagawang solusyon ng gobyerno ay ang pag-demolish sa pribadong lugar kung saan may naitayo nang mga iskwakwa.
Bakit nga ba malakas ang pagtutol ng mga iskwater sa pagpapaalis sa kanila? Dahil ba ito sa kakulangan ng kakayahang pinasiyal? O may itinatago silang ilegal na paupahan?
Kakatapos lang ng isang madugong demolisyon sa Paranaque kung saan maraming tao ang nasugatan at may isa pang sinawing palad at nabawian ng buhay. Ang masaklap dito, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng marahas na demolisyon.
Alamin ang buong ulat sa "Failon Ngayon" nitong Sabado (May 5), 5:00 PM sa ABS-CBN. Abangan din ang replay sa ANC tuwing Linggo, 2:00 PM. Sundan ang "Failon Ngayon" sa Twitter, @Failon_Ngayon, #FailonNgayon By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment