Sunod-sunod na naman ang magiging proyekto ng aktor na si Jake Cuenca sa kaniyang network na ABS-CBN. Itinanggi naman ng binata na paborito siya ng ABS-CBN kaya walang humpay ang dating ng trabaho sa kaniya. Aabangan na naman ang bagong teleserye ni Jake sa ABS-CBN kahit hindi pa natatapos ang kaniyang panghapong serye kasama si Shaina Magdayao.
Unang pagkakataon na makasama ni Jake Cuenca ang mga bigating artista na sina Gabby Concepcion, Iza Calzado at Andi Eigenmann para sa programang Kahit Pusoây Masugatan. Mag-uumpisa na ang taping nila para sa bagong serye ng ABS-CBN ngayong linggo.
Kakaiba raw ang kombinasyon ngayon kung kaya mas excited ang binatang si Jake makatrabaho ang iba’t-ibang artista. Masaya si Jake Cuenca dahil maganda ang istorya na ibinigay sa kaniya ng ABS-CBN lalo na at patungkol ito sa pagmamahalan. Naniniwala si Jake na walang paboritong artista ang ABS-CBN. Maaaring nakita lang siguro ng management na masipag siya at willing pang matuto sa pag-arte. Swerte lang umano si Jake Cuenca dahil nakasama niya ang mga kilalang magagaling na artista ng ABS-CBN. Ipinagmamalaki ni Jake na isa siyang propesyonal na aktor at ang bagong teleserye sa ABS-CBN umano ang kaniyang premyo rito.
Sigurado naman daw si Jake Cuenca na hindi mababawasan ang kalidad ng kaniyang trabaho kahit pa pagsasabayin niya ang kaniyang mga trabaho sa ABS-CBN. Aminado si Jake na medyo mahirap ang pinasok niya lalong-lalo na at maaaring magkasabay pa ang mga taping niya. Confident si Jake Cuenca na magagawa niya ito dahil naranasan niya na rin ito noon nang gumagawa siya ng pelikulang In The Name of Love at teleserye sa ABS-CBN na Green Rose. Matapos daw kasi ng dalawang proyektong iyon ay nakapahinga naman si Jake para mapaghandaan na ang kaniyang bagong schedule sa telebisyon.
Bukod sa bagong teleserye ng ABS-CBN ay gagawa rin ng isang indie film si Jake Cuenca sa direksyon ni Tikoy Aguiluz. Makakasama niya rin dito ang kaniyang kapwa ABS-CBN star na si Gerald Anderson. Matagal na raw kasing pinangarap nina Jake at Gerald ang ganung klaseng proyekto simula pa noong nagkatrabaho sila sa teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Hindi na ito tinanggihan pa ni Jake Cuenca dahil makakasama niya ang kaniyang pinakamalalpit na kaibigan sa ABS-CBN at isang magaling na direktor. Ginawan na rin daw ng paraan ng schedule ng dalawang aktor para maging posible ang kanilang pinapangarap na proyekto.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment