Malakas ang bulung-bulungan na tatakbo si Vic Sotto bilang mayor ng Quezon City ngayong darating na eleksyon. Sa huling panaayam kay Senator Tito Sotto ay inamin nito na napapag-usapan ito nila ng kaniyang kapatid na si Vic. Kinakausap daw kasi si Vic Sotto ng iba’t-ibang tao patungkol sa isyung pagtakbo sa eleksyon ngayong taong 2013. Nilinaw naman ni Tito na wala pang plano ang kapatid patungkol sa pagtakbo. Paminsan-minsan daw ay napapag-usapan nila ito ni Vic lalo na kapag sila ay nagkikitang mga magkakapatid.
Iginiit ni Tito Sotto na walang plano si Vic Sotto pati ang kanilang pamilya na tumakbo ito bilang mayor. Kapag naririnig daw ito ni Vic ay lalo raw itong umaayaw ngayong hindi niya naman daw nakikita na kailangan niya talagang tumakbo.
Sapat na raw ang pagserbisyo ni Vic Sotto sa publiko sa pamamagitan ng programa nilang Eat Bulaga. Bukod sa pagiging entertainment program ng kanilang noontime show ay nakakatulong na rin daw ito sa mga kababayang Pilipino dahil sa mga ipinamimigay na premyo lalong-lalo na sa mga nangangailangang tao. Kung sakali raw kasing sumali si Vic sa pulitika ay agad naman itong susuportahan ng kaniyang kapatid na si Tito. Gusto ni Sen. Tito Sotto na sumali si Vic Sotto sa kaniyang political party. Nagbiro pa si Tito na huwag nang hintaying magalit si Vic dahil maaari itong tumakbo sa pagiging mayor.
Naniniwala naman si Herbert Bautista na kasalukuyang mayor ng Quezon City na hindi siya kakalabanin ng kaniyang kaibigang si Vic Sotto. Kung sakali kasi ay may posibilidad na maging magkatunggali si Herbert at Vic sa posisyon ng pagka-mayor ngayong 2013. Bukod kay Tito Sotto ay kinumpirma rin ng senior vice president and chief operating officer ng Tape, Inc. na hindi tatakbo si Vic Sotto sa naturang posisyon. Ang Tape, Inc. ang producer ng noontime show ng magkapatid na Sotto. Ayon kay Tito Sotto, sapat na raw na siya lang ang bumibitbit ng pangalan nila sa mundo ng pulitika. Wala pa namang nanggagaling na kumpirmasyon galing kay Vic Sotto mismo patungkol sa isyu pero inunahan na siya ng kaniyang kapatid na si Tito Sotto patungkol dito at kinumpirma sa press na hindi mangyayari ang pagtakbo ng host sa 2013.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment