Dadanasin ni Jorge Cariño ang maging isang trabahador na kumikita ng minimum wage para sa "Krusada" kung saan sasabak siya sa paglilinis at pangangalkal ng mga maruruming kanal ng Maynila.
Bukas (Mayo 3), ipapakita ni Jorge kung paano kumakayod ang marami sa ating mga kababayan buong araw para sa kakarampot na sahod. Magiging kaminero o tagalinis ng mga kanal si Jorge ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ilalim ng sikat ng araw at masasaksihan ang pagkakayod ng mga trabahador sa isang pagawaan ng bakal.
"Hindi biro ang trabahong ito. Mukhang madali ang kanilang ginagawa pero kapag ikaw na ang nakatayo sa kanilang sitwasyon, tibay ng loob at sikmura ang kailangan mong baon," ani Jorge tungkol sa kanyang karanasan.
Tuklasin kung paano pinagkakasya ng mga manggagawa ang maliit na kita para sa iba't ibang pangangailangan at bayarin gaya ng tubig, kuryente, pagkain, at pang-matrikula para sa mga anak.
Nakakatanggap ng P426 ang mga manggagawa ng mga pribadong kumpanya kada araw. Hanggang saan nito kailangan dalhin ang isang pamilyang Pilipino?
Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng "Krusada," ang 2012 New York Festivals Bronze World Medalist para sa Social Issues/Current Events category bukas (Mayo 3) pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment