Humahataw na sa record bars ang kalulunsad lamang na tribute album ng Star Records para sa iconic Filipino pop-rock band na The Eraserheads.
Isang linggo matapos i-release, no. 4 na agad ang "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album," sa overall (xwwqwpinagsamang foreign at OPM categories) top-selling albums ng Astroplus mula Mayo 10 hanggang Mayo 16.
Ang tagumpay na ito, ayon sa co-producer ng album na si Darwin Hernandez, ay magandang bunga ng halos apat na buwang pagsisikap ng grupo ng Star Records, crew, at ng mismong mga singer at bandang bahagi ng 'The Reunion.'
"Hindi lang kasi ito basta-basta album, tribute ito sa bandang napakalaki ng naiambag sa Philippine music at sa mismong kultura nating mga Pinoy," ani ni Darwin. "Ito ay pinag-isipan, pinaghandaan, at talagang 'kinarir' naming lahat ang pagbuo ng bawat kanta sa album."
Collector's item daw na maituturing ang 'The Reunion' dahil hindi lang ito para sa henerasyon na namulat sa musika ng The Eraserheads kundi maging sa mga kabataan ngayon. Aniya, "Ginawa namin ang album na may respeto sa musika nila Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro at sa kontribusyon nila sa music history. Ang mga bata ngayon na hindi pa ipinapanganak 20 years ago ay madi-discover ang kahusayan ng bandang muling bumuhay ng Pinoy rock noong 1990's."
Tampok sa "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album" ang natatanging koleksyon ng 14 na hindi malilimutang awitin ng The Eraserheads na binigyan ng bagong tunog ng ilan sa pinakasikat na mga banda at soloista sa bansa. Carrier single nito ang kantang 'Minsan' na inawit ng bandang Callalily.
Bahagi rin ng tracklist ng album ang 'Alapaap' na inawit ng 6CycleMind kasama si Eunice ng Gracenote, 'Minsan' ng Callalily, 'Overdrive' ni Vin Dancel, 'Fine Time' ni Marc Abaya ng Kjwan, 'Superproxy' ng Razorback kasama si Gloc-9, 'Kailan' ni Ney at Yeng Constantino, 'Kaliwete' ng Hilera, 'Maling Akala' ng Itchyworms, 'Ligaya' ng Mayonnaise, 'Pare Ko' ni Johnoy Danao, 'Ang Huling El Bimbo' ni Jay Durias, 'Magasin' ng Chicosci, 'With A Smile' ni Aiza Seguerra kasama si Mike Villegas, at 'Hey Jay' ng Tanya Markova. Producers ng 'The Reunion' album sina Darwin at Rye Sarmiento ng BBS.
Samantala, inilunsad rin kamakailan ng Star Records ang "Soundtrip to Roadtrip Promo" kung saan magkakaroon ng pagkakataong manalo ng Chevrolet Spark ang sinumang bibili ng 'The Reunion' CD sa piling record bars ng SM, Astro, at Odyssey Music. Ang promo ay tatakbo mula Mayo 14 hanggang August 3. Para sa buong detalye ng promo, maaaring bumisita sa Facebook fanpage ng Star Records nawww.facebook.com/starrecordsphil.
Pakinggan ang bagong tunog ng imortal hits ng The Eraserheads sa "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album" na mabibili sa mga record bar sa buong bansa. Maaari na ring ma-download ang digital tracks nito sa www.starrecords.ph,www.mymusicstore.com.ph, at sa iTunes sa www.amazon.com.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment