Kaliwa't kanan ang naging batikos sa ginanap na concert ng international pop star na si Lady Gaga lalo an patungkol sa aspeto ng relihiyon dahil alagad diumano ng demonyo ang singer. Ngunit sa pananaliksik ng "Failon Ngayon," napag-alaman ni Ted Failon na may mas mabigat pa palang suliraning dapat mas pagtuunan ng pansin at ito ay kung saan napupunta ang amusement tax na sinisingil ng local government na pinagdausan ng concert.
Ang amusement tax ay buwis na binabayaran ng mga artists sa lokal na gobyerno mula sa kabuuang kita ng kanilang concert. Base na rin sa Section 140 ng RA 7160, ang Amusement Tax ay mapupunta sa pag-develop ng teatro, pagsasagawa ng workshop sa mga lokal na artista at ang matitira ay paghahati-hatian ng munisipyo.
Kung susumahin, sa P15,000 ticket na binayaran ninyong ticket para mapanood si Lady Gaga, ilang porsyento kaya nito ang mapapakinabangan ng taong bayan?
Magkano ang napunta sa Lungsod ng Pasay? Sino nga ba ang mas nakikinabang sa mga malalaking konsyertong tulad ng kay Lady Gaga?
Tunghayan ang buong ulat ni Ted ngayong Sabado (May 26), 5 PM sa ABS-CBN. Mapapanood ang replay nito tuwing Linggo sa ANC (SkyCable ch 27), sa ganap na 2 PM. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment