Masaya si BB Gandanghari dahil nakapag-usap na sila ni Zoren Legaspi kung kaya pakiramdam niya ay tila nabunutan na siya ng tinik matapos nito. Ayon kay BB, magaan ang kaniyang pakiramdam sa nangyaring itnerview sa kaniya ni Zoren. Wala naman daw kasing dahilan para mag-usap sila noon ni Zoren Legaspi dahil wala silang issue  na dapat pag-usapan. Hindi naman daw nahirapan si BB Gandanghari na kumbinsihin ang kaniyang sarili na makipagharap sa kasalukuyang kinakasama ng dating asawa na si Carmina Villarroel. Ang nais lang naman daw ni BB ay maging maayos na ang lahat sa pagitan nila at matapos na ang iwasan na nangyayari.
Wala naman daw dapat pag-usapan at itago pa sina BB at Zoren simula pa noong una. Aminado si BB Gandanghari na nailang siya sa pagharap nila ni Zoren Legaspi sa harap ng kamera. Itinanggi naman ni BB na ang dahilan ng kaniyang pagkailang sa host ay dahil sa magandang mukha nito. Aniya, hindi siya naging kumportable noong una dahil hindi niya talaga personal na kilala ang host. Ayaw na rin naman gawing kumplikado ni BB Gandanghari ang relasyon nila ni Zoren Legaspi dahil lang sinabihan niya ito ng gwapo. Pero hindi itinanggi ni BB na kung sakaling may manligaw sa kaniya ay mayroong parehong personalidad kay Zoren.
Naniniwala din si BB na mahal na mahal ng host ang dati niyang asawa na si Carmina. Hiling ni BB Gandanghari ay sana tuloy-tuloy na ang magandang samahan ng aktres at ni Zoren Legaspi. Hindi niya naman daw alam kung ang dating ugali ng aktres ay ganun pa rin noong sila ay mag-asawa pa na maaaring naging dahilan kung bakit tumagal ang relasyon nito sa host. Kahit pa may konting ilangan nang magkita sa unang pagkakataon ang dalawa ay nauwi rin naman sa tawanan ang pagtatapos ng panayam ni Zoren kay BB.
Dalawang buwan na mananatili sa bansa si BB Gandanghari bago pa bumalik sa New York. Aniya, nagiging productive na rin daw ang kaniyang pamamalagi sa Pilipinas. Nagpapasalamat din siya sa pagkakataon na ibinigay ni Zoren Legaspi na siya ay makausap dahil nabigyan na rin ng linaw ang kanilang relasyon. Nagpapasalamat din si BB kay Zoren dahil inalagaan nito nang mabuti ang kaniyang dating asawa. Iyon lamang daw ang tanging hiling ni BB Gandanghari para sa aktres. Sapat na raw na nakikita niya na inaalagan ni Zoren Legaspi ang kaniyang pamilya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment