Sa isang event kung saan kabilang si Paul Jake Castillo ay inamin niya sa press na nobya niya na ang dalagang aktres na si Melissa Ricks. Nauna nang umamin si Melissa patungkol sa kanilang relasyon ni Paul Jake sa isang hiwalay na interview. Halos sampung araw na hindi nagkita o nagkausap ang PBB ex-housemate at ang aktres na si Melissa Ricks. Sa naganap na awarding ceremony ay nagkaroon ng isang dance number ang mga naging participants. Kahit na hindi masyadong kumportable sumayaw si Paul Jake Castillo ay kitang-kita naman na masaya siya lalo na at panay ang kaniyang mga sulyap sa kinauupuan ni Melissa.
Masaya naman ang binata dahil sa suportang ipinapakita sa kaniya ni Melissa Ricks. Inamin din ni Paul Jake na tatlong buwan na ang kanilang relasyon ng dalaga. Wala namang itinatago si Paul Jake Castillo sa mga tao kung kaya wala siyang dahilan para itago pa ang relasyon niya kay Melissa Ricks. Ayaw niya naman daw i-deny pa ang kaniyang relasyon sa aktres dahil pinagmamalaki niya pa raw ito. Kung sakaling may nagtanong naman sa kaniya noon ay sasagutin niya naman ito ng katotohanan.
Wala naman pakialam si Paul Jake sa mga intriga na haharapin nila ng nobya. Alam niya naman daw na high-profile na tao si Melissa Ricks dahil isa itong celebrity pero okay lang sa kaniya ang maintriga dahil may tiwala naman sila sa isa’t-isa. Ipinagtanggol naman ng binata ang dating karelasyon ng kaniyang nobya na si Jake Cuenca. Para kay Paul Jake Castillo, ang mga nangyari sa pagitan ng dating magkasintahan ay maaaring inaasahang mangyari. Tanggap naman ng Cebuano ang naging nakaraan ni Melissa Ricks kung kaya hindi niya na raw dapat pakialaman pa ito.
Kitang-kita sa mukha ni Melissa na masaya siya sa kasalukuyang estado ng realsyon nito kay Paul Jake. Napapasaya naman daw ni Paul Jake Castillo ang dalaga ayon sa mga kaibigan nito. Para sa binatang negosyante, kapag magkasama sila ni Melissa Ricks ay kakaibang saya umano ang kaniyang nararamdaman.
Ang mahalaga raw na napansin ni Paul Jake kay Melissa ay ang kasiyahan niyang nararamdaman kapag kasama niya ang dalaga. Hindi naman daw mahalaga sa binata ang looks at sex appeal ng isang babae dahil mas gusto niyang kilalanin ang personalidad ng isang tao. Nakilala na rin nina Paul Jake at ng aktres ang mga magulang ng isa’t-isa.
Gusto raw ng binata na makasama pa nang madalas ang kaniyang nobya pero medyo abala raw ang schedule ng aktres dahil sa kasalukuyan nitong teleserye. Iniiwasan naman daw ni Paul Jake na pumunta pa sa mga taping ni Melissa. Pakiramdam ni Paul Jake Castillo ay magiging hassle lang siya para kay Melissa Ricks kapag bumisita siya sa trabaho. Pero balak pa rin naman niya puntahan ang nobya kapag hindi na ito masyadong abala.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment