Hindi itinanggi ni Jessy Mendiola na kabado siya sa kaniyang bagong teleserye na pinamagatang Against All Odds. Pagbibidahan ito ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos at gaganap naman ng isang title role ang dalagang si Jessy. Ayon kay Jessy Mendiola, magsisilbing reunion ang kaniyang bagong teleserye dahil makakasama niyang muli rito sina Tirso Cruz III at Mylene Dizon na nakatrabaho niya noon sa teleserye na Budoy. Malaki ang pasasalamat ng dalagang aktres dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga bigating artista sa iisang teleserye dahil sigurado umano siya marami siyang matututunan sa mga ito.
Inaabangan ng marami ang bigating casts ng programa at maging ang itatakbo ng kuwento ay kaabang-abang ayon kay Jessy Mendiola. Kahit pa nabakante si Jessy matapos ang kaniyang huling teleserye ay hindi siya nanghihinayang sa kaniyang paghintay para sa bago niyang proyekto. Bukod sa primetime teleserye ay gagawa rin si Jessy Mendiola ng isa pang proyekto sa telebisyon kung saan makakasama niya ang binatang aktor na si Matteo Guidicelli. Kahit na dalawang teleserye ang pinagkakaabalahan ni Jessy ay tuloy pa rin ang paggawa niya ng pelikula.
Wala naman umanong problema kay Jessy Mendiola ang kaniyang bagong supporting role. Matatandaang ini-launch ang dalagang aktres sa teleserye na Sabel. Naging leading lady naman ang dalaga ng aktor na si Gerald Anderson sa teleserye na Budoy. Ayon kay Jessy, hindi naman kailangang parating lead ang gampanan niya sa kaniyang programa. Bata pa naman umano si Jessy Mendiola at hindi naman nagiging problema sa kaniya ang pagganap niya sa mga teleserye.
Ang bagong teleserye ay isa na umanong malaking karangalan para sa kaniya at itinuturing ang sarili bilang isa sa mga pinakamaswerteng aktres sa industriya. Mga bigating pangalan ang makakasama ngayon ng dalaga kung kaya dumagdag din ito sa kaniyang kaba. Leading man ngayon ni Jessy Mendiola si Joseph Marco na nakasama niya noon sa teleseryeng Sabel. Hindi naman nababahala ang dalaga sa iba’t-ibang leading man niya sa kaniyang mga naging teleserye dahil hindi naman siya nagkaroon ng permanenteng love team. Maganda rin umanong pagsubok ito para kay Jessy dahil makikita ng tao na kaya niyang gamapanan ang kaniyang mga karakter sa serye.
Isa namang malaking blessing para kay Jessy Mendiola ang sunod-sunod na teleserye niya sa istasyon at maging sa iba niya pang mga proyekto. Tatlong buwan ding naghintay si Jessy ng trabaho at matapos nito ay dalawang teleserye na ang ibinigay sa kaniya. Aminado si Jessy na masaya siya ngayon lalong-lalo na at tila malaki na ang naging improvement sa kaniyang career at maging sa kaniyang pag-arte. Ipinangako naman ni Jessy Mendiola sa management na hindi niya sila bibiguin sa ibinigay na magagandang teleserye para sa kaniya.
0 comments:
Post a Comment