Kinuha ng anim na buwang buntis na si Katrina Halili ang aktres na si Marian Rivera bilang ninang ng kaniyang magiging anak. Ilang buwan na ang nakakalipas nang masangkot sa isyung awayan sina Marian at Katrina dahil umano ito sa hindi pagkakasundo ng dalawa sa set ng kanilang teleserye. Limang taon na ang nakakaraan nang magkaroon din ng isyu sa pagitan nina Marian Rivera at Katrina Halili at ito ay nangyari sa kuana-unahang teleserye na pinagsamahan nila. Kinumpirma mismo ni Katrina na kinuha niya bilang ninang si Marian sa binyag ng bata.
Nadagdagan naman ng timbang ang buntis na aktres kung kaya nag-eehersisyo umano ito upang hindi masyadong mahirapan sa araw ng kaniyang kapanganakan. Kapansin-pansin ang saya kay Katrina dahil bukod sa pagiging excited ito ay tila gumaan umano ang pakiramdam niya nang magkaayos na sila ni Marian. Sa pinakahuling panayam noon kay Marian Rivera ay sinabi niyang maaaring pinaglilihian siya ni Katrina Halili kung kaya siya ang pinagtutuunan ng pansin nito. Nagbiro pa ang dalaga na maganda ang magiging anak ng kaniyang co-star dahil siya ang pinaglilihian nito. Naging malaking usap-usapan noon ang hindi umano pagpansin ni Katrina kay Marian habang sila ay magkasama sa iisang set ng teleserye. Hindi rin daw pinapansin ng buntis na si Katrina Halili ang dalagang si Marian Rivera sa tuwing ito ay magpapaalam na uuwi matapos ang kanilang trabaho.
Dinepensahan naman noon ni Katrina ang kaniyang sarili mula sa isyu dahil tila si Marian pa umano ang tila naglilihi dahil sa pinakikitang ugali nito kapag sila ay nagkikita sa set. Hindi nagtagal ay nagkasundo naman ang dalawa at si Katrina Halili pa mismo ang nagkumpirma na nagkausap na sila ni Marian Rivera. Dahil dito ay napagkasunduan ng dalawa na maging magkumare dahil si Marian ay magiging ninang o pangalawang ina ng magiging anak ng aktres. Sa buwan ng January ang magiging binyag ng anak ni Katrina dahil ito rin ang buwan na dadating mula sa Amerika ang ina ng kaniyang nobyo.
Bago pa natapos ang taping ng huling teleserye ni Katrina Halili ay nakipagbati na raw siya kay Marian Rivera. Nagyakapan at nag-iyakan din umano ang dalawa. May komunikasyon na rin ngayon sina Marian at Katrina dahil nagagawa na nilang magtext at magtawagan sa isa’t-isa. Maging sa baby shower ni Katrina ay iimbitahin niya rin umano ang kaniyang kaibigang aktres. Kinalimutan na rin nina Marian Rivera at Katrina Halili ang hidwaang nangyari sa kanilang dalawa dahil mas mahalaga raw ngayon ay ang kanilang pagkakaibgan.
0 comments:
Post a Comment