Masaya si Judy Ann Santos sa kaniyang pagbabalik telebisyon lalo na sa kaniyang bagong proyekto. Pinamagatang Against All Odds ang bagong teleserye ni Juday at ipinagmamalaki ng aktres na makakarelate umano dito ang maraming kababaihan. Ang bagong pagkakaabalahan ng aktres ay sigurado umanong magandang programa para sa mga babae lalo na sa mga magulang at mga anak. Isang malaking inspirasyon din umano ang ibabahagi ng teleseryeng Against All Odds sa marami. Ayon kay Judy Ann, hindi ito ang tipo ng teleserye na imposibleng magawa dahil para sa kaniya ay walang imposible para sa Kapamilya network.
Ibinahagi din ni Juday ang kaniyang mga ginawang paghahanda para sa kaniyang proyekto sa Kapamilya network na Against All Odds. Ayon kay Judy Ann Santos, tinutulungan umano siya ng asawang si Ryan Agoncillo na maging fit para sa kaniyang bagong teleserye. Maaga raw nagigising ang mag-asawa para hindi masayang ang oras para mag-ehersisyo at para maging malusog ang kanilang sistema. Magandang bonding na rin daw ito para sa kanilang dalawa lalo na at madalas nang magtatrabaho si Juday para sa kaniyang teleserye. Masaya ang pakiramdam ni Juday dahil kasama niya ang asawa sa pagsimula ng magandang araw habang pinapanatili nilang maganda ang hugis ng kanilang mga katawan.
Masaya naman si Judy Ann Santos sa ibinigay sa kaniyang schedule ng kaniyang production dahil hindi naisasakripisyo ang oras niya sa kaniyang mga anak. Ito rin daw kasi ang unang inisip ng aktres bago pa siya tumanggap ng serye sa telebisyon. Ayaw naman din ni Judy Ann na madaliin ang Against All Odds katulad ng mga ginawa niya noong teleserye. Ayaw na umano balikan ni Juday ang mga panahong nagmamadali siya sa taping dahil nahirapan siyang maghanda sa mga eksena. Maging sa pag-internalize ay hindi siya masaydong nakakapag-isip nang maayos.
Matagal na nakapagpahinga si Judy Ann Santos sa teleserye at ngayon ay sigurado umano siya na ibibigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa bagong proyekto. Masaya naman ang aktres dahil accommodating ang staff ng production sa kaniyang mga hinihinging request pero iginiit na give and take ang magiging relasyon niya dito. Para kay Juday, dinadaan lang naman daw sa magandang usapan ang lahat ng negosasyon kung kaya wala siyang problema sa kaniyang bagong trabaho at schedule. Ngayong isa nang ina si Judy Ann Santos ay marami rin umano ang dapat niyang isakripisyo para ibalanse ang kaniyang oras sa pamilya at oras para sa kaniyang trabaho sa Against All Odds.Â
0 comments:
Post a Comment