Kitang-kita kay Andi Eigenmann na hindi ito apektado sa balitang may kasalukuyang dini-date ang dati nitong nobyo na si Albie Casiño. Sa isang event ay nakita si Albie na may ka-holding hands na isang babae. Nang banggitin ito kay Andi ay tanging ‘Good for him’ lamang ang nasabi nito. Sinagot ni Andi Eigenmann ang mga katanungang ito sa press conference ng kaniyang bagong teleserye sa Kapamilya network na Kahit Pusoây Masugatan kung saan isa siya sa mga bida nito. Ito ang nagsisilbing comeback project ito ni Andi matapos nito manganak. Matatandaang huminto muna si Andi Eigenmann nang mabuntis ito sa kanilang anak ng binatang si Albie Casiño.
Dugtong pa ni Andi, hindi niya raw alam kung paano sabihin sa mga tao ang kaniyang mararamdaman nang hindi nila masasabi na bitter pa siya kay Albie. Aniya, wala raw talaga siyang pakialam sa buhay ngayon ng dating nobyo. Matagal na umanong nakapag move-on si Andi Eigenmann at nagkaroon na umano siya ng nobyo matapos ang kaniyang relasyon kay Albie Casiño kung kaya matagal na umano niyang kinalimutan ang nangyari sa kanila ng binata.
Matagal nang sinasabi ni Andi na kung sakaling lumapit sa kaniya si Albie upang makita ang kanilang anak na babae na si Ellie ay hindi niya ito ipagkakait dito. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang mensahe ni Andi Eigenmann sa ama di umano ng kaniyang anak. Matatandaang nagkaroon ng gulo noon nang itinanggi ni Albie Casiño ang batang dinadala noon ng dating nobya. Para sa dalagang aktres, karapatan ng kaniyang anak na makilala kung sino ang kaniyang tunay na ama at hindi niya umano ito ipagkakait sa bata.
Kinumpirma ni Andi na kasalukuyan siyang single at abala sa kaniyang bagong teleserye kahit pa napapabalitang may bago nang nobya si Albie. Inamin din ni Andi Eigenmann na patuloy pa rin ang komunikasyon nila ng binatang naugnay sa kaniya na si Jake Ejercito. Matatandaang lumabas ang pangalan noon ang pangalan ng binata na ama umano ng ipinagbubuntis ni Andi. Agad namang binigyang linaw ng dalagang si Andi Eigenmann ang mga espekulasyong inilalabas at dito niya inamin na si Albie Casiño na dati niyang nobyo ang ama ng kaniyang dinadala.
Nagpapasalamat naman si Andi sa mga taong nagbibigay papuri sa kaniyang pag-arte. Marami na rin daw naririnig ang dalaga mula sa mga tao na mukhang lumalim na ang kaniyang pag-arte dahil nakikita nila na may pinaghuhugutan na si Andi Eigenmann sa kaniyang mga eksena. Inamin naman ni Andi na malaking bagay ang nangyari sa kanila noon ni Albie ngunit mas gugustuhin niya na muna umano tingnan ang kaniyang hinaharap at huwag nang bumalik sa nakaraan. Hindi naman itinanggi ni Andi Eigenmann na tila nakikita na sa mukha ng kaniyang anak ang naman nito sa amang si Albie Casiño partikular na ang ilong at mata nito.
0 comments:
Post a Comment