Ipinakilala na si Eula Valdez bilang pinakabagong miyembrong cast ng top-rated Primetime show ng Kapamilya network na Walang Hanggan. Gaganap si Eula bilang isang misteryosong babae na nangngangalang Black Lily at naging tikom ang bibig ng aktres patungkol sa mga mangyayaring kaganapan sa susunod na episode ng Walang Hanggan. Pinangako naman ni Eula Valdez sa lahat ng mga manonood na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para pagbutihin agn kaniyang trabaho kasama ang iba pang cast ng serye. Ayon kay Eula, hindi siya nagpapabaya hanggang katapusan ng serye at umaasa siya na babantayan siya ng mga direktor ng Walang Hanggan bilang bagong salta rito. Hindi naman daw papayag si Eula Valdez na hindi mararamdaman ng tao ang kaniyang pagganap sa bagong programa.
Nakatrabaho na rin noon ng batikang aktres ang ilan sa mga bida ng teleserye. Aniya, wala naman daw problema sa kaniya pagdating ng trabaho dahil wala umano siyang topak. Aminado naman si Eula Valdez na kapag mainit ang kaniyang ulo ay sinasabi niya ito sa mga tao at naglalagay siya ng pulang lipstick. Sa pamamagitan umano nito ay nalalaman ng mga tao sa paligid kung ano ang kaniyang nararamdaman. Meron din siyang paraan para maging masaya sa set ng Walang Hanggan kung kaya madali siyang mapasaya ng mga tao. Naniniwala si Eula na hindi siya magkakaroon ng problema sa kaniyang mga kasama sa Walang Hanggan.
Isang malaking karangalan din umano para kay Eula Valdez ang makatrabaho si Coco Martin na isa sa mga pinakasikat na leading actor sa bansa. Ayon sa ipinalabas na teaser ng Walang Hanggan, gaganti ang karakter ng aktres kay Daniel Guidotti  na ginagamapanan ng binatang si Coco. Nagkatrabaho na rin umano ang dalawa sa isang pelikula at gumanap ba ang binata bilang anak ni Eula. Sa mga panahon din daw na iyon ay hindi pa alam ni Eula Valdez kung gaano kalakas ang dating ng binatang aktor sa maraming tao.
Umaasa ang 43-taong-gulang na aktres na tatangkilikin siya ng mga tao sa paglabas niya sa Walang Hanggan. Kaabang-abang din daw ang magiging eksena nila ng Prince of Indie Film. Itinuturing ni Eula ang kaniyang sarili bilang maswerte dahil kabilang na siya sa mga bigating cast ng Walang Hanggan. Aminado rin si Eula Valdez na isang challenge sa kaniya ang ibinigay na role kung kaya umaasa siya na hindi na iisipin ng mga manonoood na siya si Amor Powers na nakilala noon ng marami. Gagawin naman daw ng aktres ang lahat ng kaniyang makakaya para isapuso ang kaniyang bagong karakter.
0 comments:
Post a Comment