Kitang-kita raw ng marami na tila mas malapit na sa isa’t-isa ang on-screen partners na sina Bea Binene at Jake Vargas. Maging sa variety show na Party Pilipinas ay lagi umanong magkadikit si Bea at Jake kahit magkahiwalay pa ang kanilang mga production numbers. Hindi naiwasan ng marami na maghinala na maaaring may namumuo na ngang espesyal na pagtitinginan sa dalawang Kapuso tween stars. Agad namang nilinaw ni Bea Binene na magkaibigan lamang sila ni Jake Vargas. Aniya, kahit naman nagkakasama sia sa taping o hindi ay mabuting magkaibigan pa rin naman daw sila.
Ang  huling naging proyekto nina Bea at Jake kung saan sila ay magkatambal ay ang teleseryeng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis. Matapos nito ay pareho nang naging abala sina Bea Binene at Jake Vargas sa kani-kanilang mga schedule kung saan hindi na sila ang magkatambal. Aminado naman ang dalaga na namimiss niya ang dating leading man dahil matagal din silang nagsama nito sa iba’t-ibang proyekto. Hindi naman daw mawawala kay Bea na hindi mamiss si Jake bilang isang kaibigan. Dalawang taon ang itinagal ng love team nina Bea Binene at Jake Vargas at ito ang unang pagkakataon na sila ay nagkahiwalay.
Sa bagong serye ni Bea na Luna Blanca ay hindi si Jake ang kaniyang kapareha kundi ang binatang si Kristoffer Martin. Ikinuwento ng aktres na maraming twists ang istorya ng kanilang teleserye na dapat abangan ng mga tao. Noong una ay nanibago umano si Bea Binene dahil mas nasanay siya na si Jake Vargas ang kaniyang laging kaeksena. Hindi nagtagal ay unti-unti na rin daw nasanay ang dalaga dahil alam niya na kinakailangan din umano ng kanilang tambalan ang sandaling paghihiwalay.
Itinanggi rin ni Bea na may kumpetisyon sila ng kaniyang mga bagong kasama sa proyekto. Aniya, naging mas malapit pa raw ang mga casts ng teleserye dahil na rin sa kanilang madalas na pagtatrabaho at pagkikita sa set. May magandang balita naman si Bea Binene sa lahat ng mga tagahanga nila ni Jake Vargas. Bukod sa pag-arte ay pinasok na rin ng dalaga ang pagkanta at natutuwa naman daw siya dahil sa magandang naging resulta ng unang album niya na Hey It’s Me, Bea. May duet sila ng binatang si Jake sa naturang album kung saan kinanta nila ang âMahal Kita, Walang Ibaâ. Sa ngayon ay hinihintay rin daw nina Bea Binene at Jake Vargas na mabigyan ng proyekto kung saan muli silang magkakasama.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment