Kinumpirma na mismo ni Atty. Felipe Gozon na hindi na nila ni-renew ang kontrata ng aktres na si Claudine Barretto sa GMA-7 network. Expired na ang naging kontrata ni Claudine sa GMA-7 matapos ang dalawang taon nitong pamamalagi sa network bilang isang artista. Matatandaang nakilala si Claudine Barretto bilang talent ng ABS-CBN ngunit lumipat sa GMA-7 network ilang taon matapos gumawa ng ilang proyekto noong November 2009. Noong November 2011 pa natapos ang kontrata ni Claudine Barretto sa GMA-7.
Nang tanungin naman ang CEO kung ang dahilan ng hindi nila pag renew ng kontrata ni Claudine ay ang gulo nitong kinasangkutan sa NAIA ay ang tanging sinagot lamang nito ay ito umano ang napagkasunduan ng marami. Matatandaang gumawa ng ingay ang aktres kasama ang asawa nito na si Raymart Santiago na isa ring GMA-7 talent sa Ninoy Aquino International Airport. Kasama rin sa kaguluhan ang journalist na si Mon Tulfo kung saan nagkagulo dahil umano sa nawawalang bagahe ni Claudine Barretto sa airport. Kinunan umano ng video ni Mon ang aktres habang ito ay nagrereklamo sa ground crew na pinagsimulan ng kaguluhan.
Maging ang TV5 network ay wala din umanong plano patungkol sa career ni Claudine. Isang episode lamang daw ang ginawa ni Claudine Barretto sa Kapatid network at ito ay para sa Untold Stories. Bago pa ang dalawang taong pamamalagi ng aktres sa GMA-7 network ay halos 17 siyang naging talent ng Star Magic na talent-arm ng ABS-CBN. Nang maging Kapuso si Claudine ay bukod sa kontratang babayaran siya kahit hindi siya nagtatatrabaho sa anong programa sa network ay tinaasan din ng GMA-7 ang talent fee nito ng P100,000 na mas mataas sa ibinibigay ng dating network.
Ilang programa rin ang ibinigay ng GMA-7 kay Claudine Barretto at kabilang na rito ang Jillian: Namamasko Po, as well as Spooky Nights Presents: Nuno sa Feng Shui. Isang drama anthology rin ang pinagbidahan niya sa kaniyang paglipat. Ginawan din ng GMA-7 network ng pelikula ang aktres kung saan nakasama niya rito si Richard Gutierrez at Anne Curtis. Ang huling regular show ng aktres bilang Kapuso ay ang telefantsya na Iglot na tumagal ng halos tatlong buwan noong 2011. Ang huling naging appearance ni Claudine sa mga programa ng GMA-7 ay ang guest appearance nito sa Biritera.
Sinasabing hanggang ngayon ay may alitan pa raw si Claudine Barretto at Johnny Manahan na kilala bilang chairman emiritus ng Star Magic. Hindi ang paglipat ng aktres sa GMA-7 network ang dahilan nito kundi ang isang insidente umanong pag-akusa ni Claudine sa kapwa Star Magic talent ng paninira sa kaniya. Nang magkaroon ng selebrasyon ang Star Magic para sa kanilang ika-25 na anibersaryo ay nagbigay ng mensahe si Claudine Barretto rito at nagpasalamat sa lahat ng nagawa sa kaniya ng naturang talent arm. Kahit pa umano lumipat siya ng GMA-7 network ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang natutunan niya rito bilang isang artista.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment