Handang-handa na si Eugene Domingo para sa kaniyang stage play na Bona sa pakikipagtulungan ng theatrical production ng PETA. Ito na muli ang kauna-unahang pagkakataon ni Eugene na makapag-perform ng live matapos niyang pumasok sa showbiz. Ipapakita ng beteranang komedyante na si Eugene Domingo sa Bona ang kaniyang mga naitatagong galing sa teatro. Ang Bona ay ang 1980 Nora Aunor movie kung saan gagampanan ng komedyante ang naging karakter ng Superstar. Inamin ni Eugene na matapos ang kaniyang pelikulang Kimmy Dora ay hindi na siya tumanggap pa ng ibang proyekto para lamang mapaghandaan ang Bona.
Gusto ni Eugene Domingo na ilaan ang kaniyang buong oras sa rehearsals ng Bona para na rin umano mapaghandaang mabuti ang kaniyang pagganap sa karakter. Gaganap na isang call center agent na old maid si Eugene sa Bona at mahuhumaling sa talent show contestant na si Gino na ginaganapan naman ni Edgar Allan Guzman. Isa sa mga pinakahihintay na eksena sa Bona ay ang kissing scene ni Eugene Domingo sa binatang aktor. Wala naman daw problema rito ang 41-taong-gulang na aktres dahil alam niyang trabaho lamang ang gagawin niya. Aniya, mabango naman daw ang hininga niya kaya walang dapat ipag-alala ang kaniyang Bona co-actor.
Hindi rin daw nakaramdam ng anong kaba si Eugene Domingo sa kaniyang kissing scene sa Bona. Matapos pa umano ng kanilang kissing scene ay siya pa ang nagsabi sa binata na tapos na ang kanilang eksena. Hindi raw ito namalayan ng binata at halik pa rin nang halik sa aktres. Ipinagmamalaki rin ni Eugene ang work ethic na ipinapakita ni Edgar sa Bona. Kitang-kita umano niya na masipag ang binata at desididong matuto kung kaya alam niyang matapos ang Bona ay maganda talaga ang mararating ng aktor pagdating sa kaniyang career.
Bago pa magbida sa Bona ay matagal nang nagtatrabaoh sa teatro si Eugene Doming at nagsimula ito noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang. Pakiramdam umano ng aktres ay sa pamamagitan ng Bona ay magkakaroon siya ng responsibilidad na iangat sa industriya ang teatro para magkaroon ng mas malawak na mga manonood. Isang magandang oportunidad din umano ang Bona para ipakita sa tao na hindi lamang sa telebisyon pwedeng umarte ang mga artista kundi pati na rin sa teatro.
Halos isang buwan ang itatagal ng Bona at binabalak na ni Eugene Domingo na i-extend ang kaniyang bakasyon sa Europa ngayong darating na October. Dahil na rin sa pagiging abala sa Bona ay walang film entry si Eugene sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Balak lumipad ng London ni Eugene Domingo matapos ang Bona at gusto niya umanong mamalagi rito ng matagal para sa kaniyang bakasyon.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment