Hanggang ngayon ay wala pa ring hawak na titulo si Melai Cantiveros para sa kaniyang napanalunang bahay na ibinigay ng Globe Asiatique. Matatandaang ang Globe Asiatique ang nagbibigay ng premyong house and lot para sa mga nanalo sa Pinoy Big Brother at kabilang na rin dito ang binatang aktor na si Ejay Falcon. Ang Globe Asiatique ay pagmamay-ari ni Delfin Lee na humaharap ngayon sa isang makontrobersyal na kaso. Ayon kay Melai, bukod sa kasong isinampa sa kumpanya ay wala na rin daw siyang masamang karanasan dito kundi ang hindi pagbigay sa kaniya ng titulo ng bahay na tinitirhan. Maliban sa isyung ito ay wala na rin daw ibang naging problema si Melai Cantiveros sa kaniyang tahanan na inihandog ng housing company.
Nalaman lamang daw ng dalaga ang ganitong isyu nang kinausap siya sa Bandila. Nabanggit niya rito na maging ang kasama niyang nanalo ng house and lot na si Johan Santos ay wala pa ring natatanggap na titulo mula sa kumpanya. Pinatotohanan naman ni Melai na may nararamdaman nga siyang anomalya bago pa pumutok ang naturang isyu. Aniya, ibang pangalan ang nakalagay sa kaniyang bayarin sa kuryente. Imbes umano na Melai Cantiveros ay isang Fatima Ssevilla ang nakalagay dito. Nakuha pa rin magpatawa ni Melai kahit pa sa gitna ng intriga ang naturang kumpanya.
Hindi pa naman daw nagpupunta si Melai Cantiveros ng Globe Asiatique para ayusin ang problemang ito kung kaya hindi pa nakukumpirma ang kaniyang titulo. Halos dalawang taon nang walang hinahawakang titulo ang komedyante para sa kanilang tahanan. Hindi namand aw ito hinahanap ni Melai dahil hindi pa naman umano sila pinapaalis tahanang ibinahagi ng Globe Asiatique. Ang tahanan ni Melai Cantiveros ay nasa Binangonan, Rizal dahil mas pinili niyang kumuha ng condo unit na malapit sa ABS-CBN para na rin malapit sa kaniyang pinagtatrabahuan.
May plano naman daw si Melai na kausapin ang mga tiga Globe Asiatique hinggil sa kaniyang mga katanungan patungkol sa titulo. Nag-iwan din si Melai Cantiveros ng mensahe patungkol sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Globe Asiatique. Aniya, huwag na umanong mag-alala ang mga kasama niyang nakatira sa naturang lugar dahil gagawan naman daw ng paraan ni Mr. Delfin Lee ang naturang problema. Idaraan na lamang daw ng aktres sa pagdadasal ang problemang ito na siguradong maraming naaapektuhan.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment