Nagpapasalamat si Shaina Magdayao dahil muling na-extend ang kaniyang afternoon teleserye na Kung Ako’y Iiwan Mo. Matagal na raw sana itong natapos pero dahil na rin sa kanilang loyal na mga manonood ay binigyan ulit ng pagkakataon para masundan pa ng panibagong kuwento ang teleserye. Nang umuwi umano ang karakter ni Shaina na si Sarah galing Doha ay dito na umano ito matatapos ngunit napagdesisyunan na huwag munang tapusin ang teleserye. Malaki ang pasasalamat ni Shaina Magdayaw sa mga manonood ng teleserye dahil sila umano ang nasa likod ng tagumpay nito. Masaya rin ang magiging pasko ng crew ng teleserye dahil sa kanilang trabaho.
Maganda ang tinatakbo ng career ni Shaina dahil na rin sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kaniyang teleserye. Naitanong naman ang dalaga patungkol sa kaniyang love life. Matatandaang ang ex-boyfriend nito na si John Lloyd Cruz at tila nakahanap na ng kapalit ni Shaina Magdayao sa katauhan ng dalagang aktres na si Angelica Panganiban. Hindi naman daw bitter ang dalaga sa mga nangyayari dahil mas pinagtutuunan niya raw ng pansin ang kaniyang teleserye at iba pang trabaho.
Sapat na raw kay Shaina ang mga taong nakapaligid sa kaniya partikular na ang kaniyang mga kaibigan at pamilya. Focus na rin daw siya sa paggawa ng kaniyang afternoon teleserye at excited na rin sa mga mangyayari sa istorya nito. Isang malaking pasasalamat din ang ibinigay ni Shaina Magdayao sa kaniyang mga fans na walang tigil na sumusuporta sa kaniya at sa karakter nito sa teleserye. Aniya, lahat daw ng mga nangyayari ay may rason kung kaya hinahayaan niya na raw na mangyari ang mga plano ng Panginoon.
Lalo namang ginaganahan si Shaina kapag naririnig niya na ang kaniyang performance sa teleserye ay hinahangaan ng mga tao. Maganda raw kasi ang natatanggap na feedback nina Shaina Magdayao mula sa mga tagahanga ng teleserye. Pinasalamatan din ng dalagang aktres ang kanilang magaling na direktor, writers at ang kaniyang leading man na si Jake Cuenca. Maging ang kasama ni Shaina sa teleserye na si Bangs Garcia ay pinasalamatan niya kahit pa madalas sila magkaroon ng pagsasakitan sa eksena ng teleserye. Sa posibilidad naman na muling umibig ay inamin ni Shaina Magdayao na hindi niya muna ito papasukin sa ngayon.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment