Gumawa ng ingay ang senador na si Tito Sotto matapos lumabas ang balitang ang kaniyang talumpati patungkol sa RH Bill ay kinopya lamang umano sa isang blog. Isa si Senator Tito sa mga senador na may matigas na paninindigan laban sa RH Bill kung kaya nang magbigay siya ng kaniyang turno on en contra speech sa senado ay bintaiko siya ang matagal nang pinagtatalunang RH Bill. Ginamit ng actor turned senator ang argumento ang kaniyang naging personal na karanasan patungkol dito. Iginiit ni Tito Sotto na ang paggamit umano ng contraceptive ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa kalusugan ang unang anak niya na lalake ng asawang si Helen Gamboa.
Isinilang na may mahinang puso ang namayapang anak ng mag-asawa at ito raw ay dahil na rin sa mga gamot na ininom ng aktres. Maging ang doktor umano nina Tito Sotto ang nagkumpirma na naapektuhan ang kalusugan ng bata dahil sa pag-inom ng contraceptives. Matatandaang sinusuportahan ng RH Bill ang paggamit ng iba’t-ibang contraceptives para maiwasan ang pagbubuntis ng isang babae. Naging emosyonal naman si Tito Sotto habang siya nagtatalumpati ng kaniyang panig laban sa RH Bill. Kilala ang senador bilang isang masiyahin na aktor at host kapag wala sa senado kung kaya marami ang nabigla nang hindi nito napigilan ang sarili na umiyak sa pagpapaliwanag kung bakit tutol siya na ipatupad ang RH Bill.
Lalo pang naging maingay ang isyung ito nang tuligsain si Senator Tito sa kaniyang ginamit na talumpati patungkol sa RH Bill. Lumutang ang mga espekulasyon na ginaya lamang daw ng senador ang kaniyang talumpati sa isang blog entry ng isang U.S.-based blogger. Ang scientific proof umano na inilahad ni Tito Sotto ay kinopya ang bawat salita sa artikulo ng isang blogger na kilala bilang Sarah, the Healthy Home Economist.  Ayon sa blogger na si Alfredo R. Melgar, ang may akda ng blog entry na Sotto’s Reckless Method of Legislation is Inexcusable na si Alfrerdo R. Melgar ay wala umanong ginawang pagkilala si Tito Sotto sa orihinal na source ng kaniyang mga ipinakitang scientific proof.
Naglagay din ng paghahambing sa naging RH Bill speech ni Tito Sotto at blog ni Sarah Pope na inilabas sa website ng GMA news noong Agosto 15. Ilan lamang ito sa mga nakuhang bahagi ng mga talumpati ni Senator Sotto at ilang bahagi ng blog ng American blogger.
1. Tito Sotto (second to last paragraph of RH Bill speech):
âAccording, to Dr. Natasha Campbell-McBride MD, the use of the pill also causes severe gut dysbiosis. What is worse, drug induced gut imbalance is especially intractable and resistant to treatment either with probiotics or diet change.â
Sarah’s Blog:
 âAccording, to Dr. Natasha Campbell-McBride MD, use of other drugs such as the Pill also cause severe gut dybiosis. Whatâs worse, drug induced gut imbalance is especially intractable and resistant to treatment either with probiotics or diet change.â
2. Tito Sotto
âGut imbalance brought on through use of the pill negatively impacts the ability to digest food and absorb nutrients. As a result, even if a woman eats spectacularly well during pregnancy, if she has been taking oral contraceptives for a period of time beforehand, it is highly likely that she and her baby are not reaping the full benefits of all this healthy food as the lack of beneficial flora in her gut preclude this from occurring.â
Sarah’s blog:
âGut imbalance brought on through use of the pill negatively impacts the ability to digest food and absorb nutrients. As a result, even if a woman eats spectacularly well during pregnancy, if she has been taking oral contraceptives for a period of time beforehand, it is highly likely that she and her baby are not reaping the full benefits of all this healthy food as the lack of beneficial flora in her gut preclude this from occurring.â
Sa huli ay inamin naman ng chief of staff ni Seantor Tito Sotto na kinopya nga nila ang ilang bahagi ng artikulong isinulat ng naturang American blogger. Humingi rin sila ng patawad dahil ang ginawa nilang speech para sa senador na kaugnay sa RH Bill o Reproductive Health Bill ay hindi nagawan ng sapat na pagkilala sa kanilang mga source. Humingi rin sila ng patawad sa orihinal na blogger at umaasang susuportahan sila sa kanilang pakikipaglaban sa RH Bill para ipaglaban ang buhay at katotohanan.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment