Sabi ni Arjo tungkol sa kanyang pagkapanalo, “Hindi ko talaga ini-expect. Nung tinatawag na yung nominees, hindi ako kinabahan at all, kasi blangko lang, okay lang. I felt that it was Khalil [Ramos] or Slater Young yung mananalo kasi sila yung patok sa masa. Pero nung tinawag ako, dun ako kinabahan kasi, ‘A… okay, ako pala nanalo!’”
Ang mga nakalaban ni Arjo ay sina Harvey Bautista (Goin’ Bulilit), Khalil Ramos (Princess And I), Kiko Estrada (Tween Hearts), Michael Pangilinan (Walang Tulugan With The Master Showman), Richard Yap (My Binondo Girl), at Slater Young (Wansapantaym, “Magic Shoes” episode).
Sabi pa niya, “Nung lumabas yung nominations, wala kasi… To be honest… “I’m being frank naman na hindi naman ako magiging plastic, pero mas sikat naman yung mga kalaban ko. To be honest, mas kilala sila as of now. Kaya for me, yung feeling lang na… wala, e. I don’t expect anything. At basta yung sa akin lang, nagawa ko yung best ko as an actor.”
Wala rin daw siyang hinandang speech. Aniya, “Wala akong hinanda. I just said thank you na lang po to the people who really pushed me to the limits talaga. Yung mga taong nagsuporta talaga sa akin from the start.” After ng speech ni Arjo ay umalis na kaagad ang ina niyang si Sylvia Sanchez dahil lumipad ito papuntang Europe kagabi. Isang magandang pabaon daw para sa kanyang mga magulang ang kanyang napanalunang award.
Kuwento niya, “Yung mom ko, umalis na, kasi inaantay lang talaga niya yung best new male category. Kasi gusto niyang malaman kung mananalo ako o hindi. Kasi they are leaving for Europe right now.” Ang kanyang pagkapanalo raw ay isang challenge para lalo pa niyang galingan ang kanyang mga susunod na performance. Saad niya, “Of course, as a best new male TV personality, I’m taking this as na parang challenge. In my next project, for sure, I’ll do better. That’s one thing that I gonna promise to the viewers.”
Source: www.pep.ph By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment