Pagsisimula ng aktor, masyadong malamig ngayon sa South Korea at feeling daw niya ay nasa resort siya pagdating sa Pilipinas because of the warm weather. Sobrang thankful din siya na pati ang pagbati sa kanya ng kanyang libu-libong fans ay very warm. Kung mayroon man daw siya ng oras na lumibot ng Pilipinas, ang gusto niyang puntahan ay Cebu at Boracay.
Itinanong ni Toni Gonzaga sa aktor kung ano ba ang mas mahalaga sa kanya, ang pagiging modelo o ang pagiging aktor? Ang tugon ni Min Ho, “Being a model and being an actor (are) very special to me. However, kung hindi dahil sa pagiging aktor hindi rin siguro ako mabibigyan ng chance na maging model. Pero natutuwa talaga ako na nakakapag-model ako, but at the same timemasayang-masaya ako dahil nakakapag-act pa rin ako, because to tell you the truth I feel very passionate about being an actor at gusto ko talagang gumaling para sa mga fans ko.”
Sa kanyang kasikatan, sinisikap ni Lee Min Ho na magbigay ng kasiyahan sa kanyang mga fans dahil utang niya sa mga ito ang kanyang katanyagan. “Hindi ko kinalilimutan na kaya ako nandito ngayon ay dahil sa success na nakuha ko dahil sa suporta ng mga fans ko. That is why I’m very honored, at talagang nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal at suportang ibinigay sa akin ng mga fans ko, sa lahat ng mga projects na ginagawa ko, sa lahat ng shows ko kaya ‘yungfame at success nakuha ko lamang because of the love of my fans.”
Alam daw niya na nagiging maligaya ang kanyang mga fans tuwing may lalabas siyang bagong proyekto kaya sinisikap niya na pagbutihan ang kanyang mga projects. “Nata-tanouch talaga ako pag sinasabi ng mga tao na gusto nila ang mga ginagawa ko. Dahil sa mga fans ko I’m really motivated to work harder and to be better.”
Kinoronahan din ang aktor bilang Facebook King dahil umabot sa limang milyon ang kanyang mga followers, kaya naman kung may oras siya ay sinisikap niyang sumagot sa kanyang mga fans nang personal. “Of course I’m very happy na marami akong followers sa Facebook. To tell you the truth I’m really very excited. This is a very new experience for me. I get to talk to my five million fans over the Internet so I’m very delighted and grateful, kaya naman kapag may oras talaga ako nagre-replyako sa mga messages nila. I get to interact with my fans.”
Pagdating naman sa babae, sinabi ng aktor na dahil sa hectic niyang schedule ay wala raw siyang oras para makasama ang kanyang special someone. Pero ang gusto raw niya sa isang babae ay ang masayang kasama, masarap kausap at ‘yung hindi siya maiinip.
Sa ABS-CBN ay tatlong serye na ni Lee Min Ho ang inere: Ang Boys Over Flowers, Perfect Matchat City Hunter. Alin ba sa tatlong ito ang kanyang paborito? “Kakaibang experience ang bawat isa. ‘Yung Boys Over Flowers, ‘yun ang nakatulong sa akin na marating kung nasaan man ako ngayon. Kaya naman napaka-special sa akin nung project na ‘yon. Pero mahalaga rin sa akin ‘yung ibang projects ko. Like what I said every drama series is a different experience,” paliwanag niya. Iba-iba raw ang nararanasan niya sa bawat project. Gaya sa City Hunter, lumawak daw ang kanyang pagiging aktor dahil sa proyektong iyon.
Ang susunod na proyekto ni Lee Min Ho ay ang Faith na ipapalabas din sa ABS-CBN. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment