Masaya si Dionne Monsanto dahil sa kaniyang bagong teleserye na gagawin matapos niyang umalis sa morning hit drama na Be Careful With My  Heart. Mapapanood muli si Dionne sa teleseryeng Paraiso kung saan makakasama niya sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli. Gaganap bilang isang mabait na karakter si Dionne Monsanto sa bagong proyekto kumpara sa huli niyang ginawa sa dating teleserye. Aminado ang dalaga na kinakailangan niyang mag-adjust sa kaniyang pagpalit ng role dahil nasanay na siya na maging kontrabida. Wala naman daw problema si Dionne sa pagbabago ng karakter sa mga teleserye dahil kinakailangan umano ito sa kaniyang trabaho.
Pinapamilyar naman ng dalagang aktres ang kaniyang sarili sa bagong karakter niya sa programa sa pamamagitan ng panonood ng Hollywood period soap series. Dito niya rin umano kinukuha ang kaniyang ipini-peg  sa gagampanan sa teleseryeng Paraiso. Wala naman daw problema para sa aktres kung sakaling bigyan muli siya ng kontrabida roles sa ibang teleserye. Mas enjoy umano si Dionne sa ganitong karakter dahil tumatatak ito sa mga manonood. Bagamat kasalukuyang single ngayon si Dionne Monsanto ay hindi naman ito problema sa kaniya dahil abala siya ngayon sa kaniyang mga trabaho.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment