Bilang kaibigan ay hindi nakalimutan ni John Prats na bigyan ng advice ang kaibigan nitong si Angelica Panganiban pagdating sa umuusbong nitong love life. Ang kasalukuyang nobyo ngayon ng aktres ay ang binatang aktor na si John Lloyd Cruz na kamakailan lang ay umamin sa real score sa kanilang relasyon ng dalaga. Isa sina John at Angelica sa mga kilalang matalik na magkaibigan sa mundo ng showbiz. Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa nang sila ay nagsisimula pa lang pareho sa mundo ng showbiz. Kinausap din ni John Prats ang nobyo ni Angelica Panganiban at sinabihang huwag nitong sasaktan ang kaniyang best friend dahil ayaw niya itong nakikitang nahihirapan.
Alam naman daw ng Banana Split star na mabuting tao ang boyfriend ng kaibigang si Angelica kung kaya umaasa siyang maging masaya ang mga ito. Alam naman daw ni John na kayang dalhin ng aktres ang kaniyang sarili pagdating sa ganitong sitwasyon. Hindi naman daw mawawala sa tabi ni Angelica Panganiban si John Prats dahil mananatili siyang nakasuporta rito kahit ano pa man ang mangyari. Magkasama rin ang dalawa sa kasalukuyan nilang gag show na Banana Split kung kaya hindi maitatanggi ang mas lumalalim nilang pagkakaibigan.
Inamin din ni John na nagkakaroon ng pagkakataon noon na napapag-usapan nila ni Angelica ang patungkol sa kaniyang bagong pag-ibig. Alam naman daw ng aktor na unconditional ang kanilang samahan ng dalaga pagdating sa kanilang pagkakaibigan kung kaya wala silang dapat itago sa isa’t-isa. Wala naman daw karapatang magalit si John Prats sa taong pinili ni Angelica Panganiban dahil alam niyang ito ang nagpapasaya sa kaniyang kaibigan. Hanga rin naman ang ASAP performer sa bagong nobyo ng aktres dahil alam niyang may mabuti itong kalooban.
Pagdating naman sa personal na buhayu pag-ibig ni John ay kasalukuyan naman daw siyang masaya kahit walang girlfriend. Kung ang kaibigan nitong si Angelica ay walang mapaglagyan ng kasiyahan dahil sa natagpuang bagong pagmamahal ay mas pinili ng kaibigan nitong huwag munang maghanap ng karelasyon. Kuntento na raw sa ngayon si John Prats sa mga kaibigan na nakapaligid sa kaniya kabilang na si Angelica Panganiban dahil ang mga ito raw ang kasalukuyang nagpapasaya sa kaniya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment