Dapat sana'y nasa ikatlong taon na na sa high school ang kinse anyos na si "Liam" ngunit sa halip na mag-aral ay pagbabanat ng buto ang kanyang inaatupag.
Ibibisto ni Julius Babao ang kuwento ni "Liam," isa lamang sa maraming kabataang Pinoy na nasasadlak sa child labor, ngayong Lunes (Jan 21) sa "Pinoy True Stories: Bistado."
Sa isang junk shop sa Las Pinas City namamasukan si "Liam" at kapalit ng maliit niyang kita ay ang pagharap niya naman peligro araw araw. Marami kasing gamit doon na maaring magdulot sa kanya ng kapahamakan tulad ng basag na salamin, bakal, at iba pa.
Bakit nga ba ito ang kinahantungan ni "Liam?" Paano siya aayudahan ni Julius?
Tunghayan buong kuwento ngayong Lunes (Jan 21) sa "Pinoy True Stories: Bistado," 4:45 p.m. pagkatapos ng "A Gentleman's Dignity" sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.
Abangan din ibang mga bagong "Pinoy True Stories" hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng "Engkwentro" ni Karen Davila tuwing Martes, "Saklolo" nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, "Demandahan" ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at "Hiwaga" ni Atom Araullo tuwing Biyernes.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment