NAKAKALOKA ANG kaartehan at pagpi-feeling big star ng ABS-CBN teen sexy starlet na si Ella Cruz at ng ina nito sa katatapos na SMAC TV Productions’ Earth Hour show na ginanap sa Luneta.
Kami mismo ang nakasaksi sa paglobo ng ulo ng mag-inang ito na matagal na naming kilala noong nasa bakuran pa lang ng GMA 7, nu’ng sobra-sobrang bait ng mag-inang ito.
Mukhang ang bilis namang pumasok sa isipan ng mag-inang ito na sikat na sila at puwede nang lumebel sa kasikatan ng mabait at very sweet pa rin na si Kathryn Bernardo, na ang totoo ay kung hindi nagpa-sexy sa Bagito, hindi makikilala nang kapiranggot.
Ang siste, pagdating pa lang sa nasabing venue, nag-strike one na ito sa kaartehan na ayaw pumunta ng dressing room dahil may ibang artists na nandoon. Ang gusto pa yata, magsolo ito at paalisin ang ibang nasa dressing room.
Pangalawa, nang pumunta ito ng backstage at nakitang maraming artists na nasa backstage ay hinatak ng malditang ina nito sa isang sulok dahil marami raw tao.
Pangatlo, nang kukunan ito ng litrato kasama ng ibang artists ay sabay sarcastic na naglitanya ng “Para saan ‘yan!”, at kailangan pang pilitin ng producer para magpa-litrato.
Sana’y magising sa katotohanan ang mag-inang ito na hindi pa big star si Ella para umasta ng animo’y malaking artista.
Written by: John Fontanilla
By Kakulay Entertainment Blog

0 comments:
Post a Comment