HINDI na siya makatao, ibang-iba na siya ngayon, kung dati nakilala siyang binibigyan niya ng halaga ang mga empleyado niya, ngayon hindi na, sobrang nag-iba ang ugali.”
Ito ang kuwento ng mga nakausap naming empleyado ng isang network tungkol sa kanilang boss na parati raw mainitin ang ulo ngayon.
Nang una naming marinig ang kuwento na maraming nawalan ng trabaho sa isang TV network, hindi namin masyadong pinansin dahil inisip naming baka nagtitipid kasi nga hindi naman lahat ng programa nila ay kumikita at nagri-rate.
Hanggang sa parami na pala nang parami ang tinatanggal at karamihan sa mga ito ay hindi man lang dumaan sa due process pati na ang matatagal nang empleyado sa nasabing network.
Sabi namin, baka naman hindi nakaka-deliver kaya tinanggal.
“Hindi, walang kaso, walang isyu, nagkaroon lang ng palakasan system at saka ‘yung mga itinira ay malalakas sa boss,” sabi sa amin.
Sabi pa ng network insider, kung sa isang departamento ay may lima o anim na tao, naging tatlo na lang kaya iyong mga trabaho na para sa anim na katao ay hinati-hati sa tatlo.
May nagsabi na sobrang lugi na raw kasi ang TV network kaya kailangang magbawas ng tao, pero tila mali raw ang manner ng pagtatanggal ng empleyado, hindi man lamang daw inaalok ng early retirement tulad ng ibang network.
“Basta ka tatanggalin, malalaman mo na lang na tsugi ka na kapag inabot na sa ‘yo ang papel at kasama ang tseke na katapat ng pinagtrabahuan mo,” sabi pa sa amin.
Nakakalungkot lang dahil ang iba raw na natira sa network ay hindi deserving porke malakas lang sa boss, samantalang ang mga tinanggal ay matagal nang naninilbihan at kasama sa hirap ng TV network.
May isang TV executive nga raw na ang tawag ng lahat ay, “The Punisher?” Dahil kapag hindi ka type ay tatrabahuhing mawala ka sa paningin niya.
Bongga raw si “The Punisher” dahil napakalakas kay Big Boss. Hmmm, siguro kailangan nila ng Nathaniel, as in anghel, sa nasabing TV network para maisaayos ang lahat ng mga problema nila.
Written by: Reggee Bonoan
By Kakulay Entertainment Blog

0 comments:
Post a Comment