Magsisimula na ang katatakutan at kababalaghan ngayong Sabado (Feb 4) dahil magpaparamdam na ang kampon ng kasamaang susupilin ng limang kabataan sa pinakabagong handog ng ABS-CBN tuwing weekend, ang “Oka2kat.”
Hango mula sa sikat na 90’s series na may katulad na pamagat, ang “Oka2kat” ay kinatatampukan ng lima sa tween actors at actresses na dapat pakaabangan ngayong 2012 — Paul Salas, Makisig Morales, Sue Anna Ramirez, Jane Oineza, at Joshua Colet.
Dahil sa laging inaapi sa eskwelahan sa siyudad kung kaya’t nagpasya ang ina ni Andrew (Paul Salas) na patirahin siya sa Pueblo Peligro kasama ng lolo niya. Sa loob ng kanilang bahay, isang museo na pag-aari ng pamilya nila ang matatagpuan kung saan binabantayan at itinatago ng matanda ang ilang mga isinumpang kagamitan.
Agad na nakuha ng naturang mga gamit ang interes ni Andrew ngunit bago niya pa man mas lubusang makilatis ang mga ito ay ninakaw ito sa kanila ng mga masasamang loob na siya ring kumitil sa buhay ng kanyang lolo.
Para maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang lolo, babawiin ni Andrew ang mga ninakaw na antigong gamit. Kasama ang mga bagong kaibigang sina Neil (Makisig Morales), Luna (Sue Anna Ramirez), Princess (Jane Oineza), and Joey (Joshua Colet), sasabak si Andrew sa isang matindi at di-malilimutang adventure kung saan maaring manganib ang kanyang buhay.
Kasama rin sa cast ng ”Oka2kat” sina Dimples Romana, Janus Del Prado, DJ Durano, Nanding Josef, at Perla Bautista sa ilalim ng direksyon nina Theodore Boborol at Neal Del Rosario.
Magpaparamdan na ang ”Oka2kat” simula ngayong Sabado (Feb 4), 4:00 PM pagkatapos ng ”Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN.
0 comments:
Post a Comment