Kaiba sa nakasanayang showbiz-oriented TV programs, hindi lamang simpleng silip sa isyu ang handog ng "S.I.R.” sa mga manonood, kundi mga malalimang pagkilala at pagtalakay sa mga totoong tao sa loob ng mga pinakapinag-uusapang kuwentong tinututukan ng publiko.
Kapwa excited sina Janice at Carmina sa bago nilang talkshow. Ayon kay Carmina, “Excited ako sa 'S.I.R.' kasi mabibigyan ako ng pagkakataon na kilalanin ang ating mga Kapamilya stars." Dagdag pa ni Janice, "Aalamin natin ano ba 'yung mga nangyayari sa likod ng mga kuwento."
Samantala, interesado naman si Joey sa palitan nila ng kuro-kuro ng mga co-host niya. Aniya, "Gusto kong matuto mula sa kanila. Kanya-kanya kasi kami ng pag-uugali kaya gusto kong mapangkinggan 'yung mga opinyon nila sa mga istoryang ipalalabas namin."
Kaabang-abang rin, ayon kay Ogie, ang no-holds-barred discussions na tampok sa kanilang programa. "Open kami sa tuksuhan, but at the end of the day wala pikunan, walang personalan. Happiness lang," ani ni Ogie.
Sa pagsasanib-puwersa sa "S.I.R." ng ilan sa mga pinakapinakapinagkakatiwalaan at kinaaaliwang TV hosts sa bansa ngayon, iba't ibang boses ang maririnig at balanseng pagtalakay ang mapapanood--may makulit at matanong na si Carmina na hindi papagil makuha lamang ang totoo sa loob ng mga kaganapan; si Janice na 'showbiz ate' na laging handang makinig; si Tsong Joey na magbabahagi ng pananaw ng lalake sa mga usapin; at si Ogie na laging may bitbit na fresh 'insider' scoops.
Full Story: Kapamilya News Ngayon
0 comments:
Post a Comment