Unti-unting nang nalilibot ni Drama Prince Gerald Anderson ang buong bansa sa pamamagitan ng “Be Budoy, Be Happy Mall Tour.” Matapos makisaya kamakailan kasama ng mga Cebuano at Caviteño, mga taga-Laguna naman ang dadalawin ng “Budoy” cast. Abangan sila ngayong Sabado (Pebrero 18), 5:30pm, sa SM City San Pablo at tuklasin ang kakaibang kasiyahang idudulot nila sa kanilang mga masusugid na tagasubaybay. Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Budoy,” tuklasin kung paano haharapin ng pamilya Maniego ang kasong nagbabanta ng tuluyang pagkawasak ng kanilang negosyo at kredibilidad. Tuluyan na nga bang makukulong ang mga Maniego? Paano masosolusyonan ni Budoy ang lahat ng problemang kinakaharap ng kanilang pamilya? Tutukan ang mga maiinit na tagpo sa pinakamalaking family drama series ng ABS-CBN, “Budoy,” pagkatapos ng “E-Boy” sa Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/budoy.tv.
0 comments:
Post a Comment