Tunghayan ang mas matapang at mas mapangahas na Sarah tuwing Linggo ng gabi tampok ang kanyang mga hindi mapapantayang world-class concert performances na magpapatunay na siya ang pinakamaningning na bituin ng kanilang henerasyon. Bukod sa kanyang singing talent, ibabahagi rin ni Sarah sa "Sarah G. Live" ang kanyang mga personal na karanasan at ilang never-before-seen 'Sarah G. moments' na tiyak ikaliligaya ng fans.
Mula sa pagiging kampyeon ng "Star for a Night" sa edad na 15, masasabing malayo na ang narating ni Sarah sa dami na ng kanyang natamong tagumpay bilang isang recording artist, concert performer, aktres, host, at maging bilang isang product endorser.
Ngayon, wala nang makapipigil sa Pop Princess na patuloy na kuminang bilang isa sa pinakamahusay na total concert performers ng bansa. Makakasama ni Sarah na magpasaya sa "Sarah G. Live" ang co-host niyang si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, at director Erick Salud. Tampok rin sa show ang G Force at si Gab Valenciano bilang dance performers and isang special guest co-host kada linggo.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment