Hindi dapat palampasin ang rebelasyon tungkol sa karakter ni Coco Martin sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Walang Hanggan.” Tunghayan ang paglaro ng tadhana kina Daniel (Coco), Marco (Richard Gomez), at Emily (Dawn Zulueta) ngayong hindi pa nila alam ang tunay na relasyon nila sa isa’t isa. Paano maaapektuhan ng katotohanan ang mga buhay nina Marco at Emily sa sandaling malaman nilang si Daniel ang inaakalang patay nang anak? Mabago rin kaya nito ang pag-iibigan nina Daniel at Katerina (Julia Montes)? Sa wakas nga ba ay matatapos na ang paghihirap ni Daniel? Samantala, patuloy ang personal na pasasalamat ng cast ng "Walang Hanggan" sa kanilang mall tour ngayong Sabado (Pebrero 18), 5pm, sa Metro sa Pacific Mall Cebu. Abangan ang lalong umiinit at makapigil-hiningang eksena sa “Walang Hanggan” gabi-gabi, pagkatapos ng “Budoy” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa http://walanghanggan.abs-cbn.com/, i-‘like’ ang http://facebook.com/abs.walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment