Kumuha ng tips sa espesyal na episode ng “Us Girls” bukas (Feb 9) kung saan tampok ang mga pambihira at exciting na date ideas para sa mga magkasintahang mahilig sa sports, gumon sa trabaho, o ‘di kaya’y simpleng romantiko.
Ipapakita rin ng hosts na sina Iya Villania at Angel Aquino ang mga tradisyunal at hindi pangkaraniwang pang-regalo para sa mahal mo – mula sa greeting cards, bulaklak, tsokolate, nakakatuwang couple shirts, at alahas.
Tuturuan din nina Iya at Angel ang mga Kabarkada kung paano manamit nang naaayon sa venue para pabilibin ang makaka-date. Bukod pa riyan, huwag ding palampasin ang naiibang birthday surprise ng “Us Girls” staff sa birthday girl na si Angel.
Samantala, nakatanggap ang “Us Girls” ng special citation mula sa katatapos lamang na “Gandingan: The UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards” para sa Best Women-Oriented Program award at ang hosts na sina Iya, Angel, at Chesca naman para sa Best Women-Oriented Program Hosts.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment