Magtuturo ng mabuting asal si Pokwang ngayong Sabado (Pebrero 11) sa ‘Hair, There and Everywhere’ episode ng “Wansapanataym.” Gagampanan niya ang karakter ni Maisa, isang mabait na babaeng nilalait ng lahat dahil sa kakaibang mala-mais niyang buhok. Dahil sa isang hiwaga, biglang gaganda ang kanyang buhok na ikasasama naman ng kanyang ugali. Ipagpapalit ba ni Maisa ang kapakanan ng mahal niyang pamilya para sa inasam-asam niyang magandang buhok? Kasama rin sa 'Hair, There and Everywhere' episode sina Rafael Rosell, Susan Africa, Kelly Misa, Dionne Monsanto, Roden Araneta, Angelo Garcia, at Amy Nobleza. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at sa direksyon ni Francis Pasion. Tuklasin ang kahulugan ng tunay na kagandahan sa “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment