Haharap sa pagsubok ang mga karakter ng real-life married couple na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Marso 3).
Bibigyang buhay nila ang mag-asawang sila Toto at Josephine na matapos igapang sa hirap ang pamilya ay pawang sama ng loob ang mararamdaman bilang mga magulang nang maligaw sa landas ang kanilang mga anak. Kalaunan ay pipiliin ni Toto na sukuan na ang mga anak, ngunit nanatiling nakakapit sa kanyang mga anak si Josephine.
Kasama nina Sandy at Christopher sa “MMK” episode sina Lauren Young, Edgar Allan Guzman, Jairus Aquino, Maggie dela Riva, Bettina Carlos, Randolf Stametelaky, Fred Payawan at Devon Seron. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Arah Jell Badayos, at direksyon ni Dado Lumibao.
Huwag palampasin ang natatanging kuwento ng isang 'champion' na nanay na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon ng lahat ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” angwww.faceboook.com/MMKOfficial.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment