Umabot na ng 14 taon ang pagsasama nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kung kaya hindi na raw makapaghintay ang aktor na pakasalan ang kaniyang longtime partner. Noong taong 2002 ay opisyal nang na-annul ang kasal ni Carmina sa dati nitong asawa na si Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari na. Nangyari ito apat na taon matapos mag-file ng petition for annulment si Carmina Villarroel sa korte. Ayon kay Zoren Legaspi, ang plano nilang pagpapakasal ng partner ay natagalan dahil na rin sa mga teknelidad ng dating kasal ng aktres. Kasalukuyang may dalawang anak si Carmina at Zoren kung kaya umaasa rin ang mga ito na maikakasal ang kanilang mga magulang.
Ikinuwento ni Carmina noong sila ay nagsisimula pa lamang bumuo ng pamilya ni Zoren. Lumipad ng Amerika si Carmina Villarroel nang siya ay limang buwang buntis sa kambal. Kinailangan umanong maiwan ng aktor sa Pilipinas dahil wala umano siyang pagkakakitaan kapag siya ay umalis pa. Nag-ipon nang nag-ipon si Zoren Legaspi para magkaroon ng visa at para na rin umano sa kinabukasan ng kaniyang pamilya. Sa panahong iyon ay kinailangan din naman daw magtago ni Carmina dahil hindi pa siya annulled sa kaniyang kasal. Delikado ang legalidad ng kaniyang kasintahan noon kung kaya gusto rin ni Zoren na huwag muna maging maingay patungkol sa pagbubuntis ng aktres.
Hindi rin daw naging madali para kay Carmina Villarroel ang kaniyang pagbubuntis sa kanilang kambal na anak ni Zoren Legaspi. Nang dumating naman daw ang kanilang mga anak sa buhay nila ay agad nang pumasok sa isip ng aktor na aalagaan niya nang mabuti ang mga ito. Nabanggit din ni Carmina na kung sakaling mag-aasawa siya ay gusto niya ay ang lalakeng katulad ng kaniyang ama. Natutuwa naman ang aktres dahil si Zoren ay pareho sa kaniyang ama lalo na sa pagiging relaxed sa mga bagay-bagay. Aminado si Carmina Villarroel na mabilis umano siya mataranta kung kaya nahahawa siya sa pagiging kalmado ni Zoren Legaspi pagdating sa mga bagay-bagay.
Ngayong taon ay ganap na ngang single ang status ni Carmina Villarroel at 100% na umanong annulled mula sa dating kasal nito. Naniniwala si Zoren Legaspi na ang tanging kulang na lang sa kanilang relasyon ng partner ay ang pagpapakasal. Nararamdaman din daw ni Zoren na iyon din talaga ang gustong mangyari ni Carmina simula nang matapos na ang problema nito sa dating relasyon. Umaasa ang dalawa na magaganap ang kanilang kasalan ngayong taon. Aminado rin si Carmina Villarroel na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila nagpakasal ng partner ay dahil na rin sa kambal. Masyado umanong silang na-overwhelmed ni Zoren Legaspi sa pag-alaga sa mga bata at naging kampante na rin sa kanilang sitwasyon bilang isang pamilya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment