Iuulat ni Jenny Reyes ang mga kaganapan sa likod ng kamera sa pag-uusad ng sigalot sa pagitan nina Mon Tulfo at Raymart Santiago at asawang si Claudine Barreto bukas (Mayo 15) sa "Patrol ng Pilipino."
Nasundan ni Jenny ang batuhan ng mga akusasyon at kaso matapos ang rambulang naganap sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Dahil parehong mga sikat na personalidad ang sangkot, nagamit ang kani-kanilang koneksyon para mabigyang magpaliwanag ang bawat kampo ngunit tila magkaibang istorya ang lumalabas. Ano nga ba ang tunay na nangyari? Sino ang nagsasabi ng totoo?
Samantala, ipapalabas din sa "Patrol ng Pilipino" ang dokumentaryong inihanda ni Atom Araullo na masuwerteng naimbitahan sa North Korea para sa pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ng unang pangulo nito, ang namayapang si Kim Il Sung.
"Alam kong marami ang interesado sa buhay sa North Korea dahil konting konti lang ang impormasyon sa nakakarating sa atin mula doon. Dahil mag-isa lang ako, mahirap maging cameraman, host, at researcher nang sabay-sabay pero isang pambihirang pagkakataon 'yun na hindi ko makakalimutan," ani Atom.
Alamin ang kwento sa likod ng bangayang Tulfo-Santiago at ang pagsilip sa mailap na North Korea bukas (Mayo 15) sa "Patrol ng Pilipino," pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN, o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) 9:15 p.m. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment