Masayang-masaya ang bida ng "Princess and I" na si Kathryn Bernardo sa palagiang mataas na national TV ratings ng kanilang 'royal teleserye,' kung saan kasama niya ang powerhouse cast kabilang sina Albert Martinez, Gretchen Barretto, Precious Lara Quigaman, Dominic Ochoa, Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos.
"Thankful ako kasi bawat episode namin consistent na mataas ang ratings at tumataas pa ngayon," ani ni Kathryn. "Kaya sana tuloy-tuloy lang ang pagtutok ng viewers sa show namin kasi we are all doing our best para lalong mapaganda ang 'Princess and I."
Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, humataw ang "Princess and I" ng 31.7% national TV rating, o halos 15 puntos na lamang kumpara sa 16.8% na nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Biritera."
Naniniwala si Kathryn na ang tagumpay ng kanilang show ay dala ng maraming bagay. Kuwento niya, "Bukod sa istorya naming very light na may halong drama na gusto nating mga Pinoy, malaking factor ang magandang working relationship ng team lalo na sa aming mga direktor na sila Direk Dado Lumibao at Francis Pasion dahil tutok sila sa characters namin para hindi namin mabitawan."
Ngayong namamayagpag si Kathryn sa Primetime Bida block ng ABS-CBN, hindi maiiwasang maikumpara siya sa kanyang 'Mara Clara' co-lead star na si Julia Montes, na kasalukuyang isa sa mga bida ng isa pang Kapamilya top-rating teleserye na "Walang Hanggan."
"Itinuturing kong kapatid si Julia, kaya kahit kailan ay hindi naging issue samin ang kompetisyon dahil alam naming pareho na wala naman talaga," pahayag ni Kathryn. "Super proud din ako sa kanya kasi alam kong maganda din ang ratings ng show nila. Sa totoo nga, fan din ako ng 'Walang Hanggan."
Samantala, sa gitna na pagsusumikap ni Mikay (Kathryn) upang mapalaya ang kanyang tatay (Dominic), sabay na susubukin ang kanyang puso sa paglapit ng tatlong 'prinsipe' sa buhay niya. Sino nga kaya ang magpapatibok ng puso ni Mikay--ang nagtapat nang si bestfriend Kiko (Khalil), ang bumibisita sa Pilipinas na si Jao (Enrique), o si 'bad boy' Gino (Daniel)?
Huwag palampasin ang lalo pang gumagandang kuwento ng 'royal teleserye' ng ABS-CBN na "The Princess and I," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida. ara sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.como i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment