Magsasama-sama na ang celebrity judge-mentors ng "The X Factor Philippines" na sina Concert King na si Martin Nievera, Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano, international singing sensation na si Charice, at Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales dahil iikutin na nila ang bansa para hanapin ang Pinoy na may 'x factor' para maging susunod na singing superstar.
"Isang malaking karangalan na maging parte ng palabas na ito. Sumali na rin ako sa mga singing contest simula bata ako kaya alam ko ang nararamdaman ng mga contestant. Bilang isang judge-mentor, magiging mabait ngunit totoo ako sa kanila," ani Charice, ang pinakabatang judge-mentor sa buong kasaysayan ng "The X Factor."
Ibinahagi naman ni Martin ang kanyang saya na makatrabaho ang iba pang judg-mentors sa "The X Factor Philippines."
"Matagal ko ng kasama si Gary kaya maganda na ang nabuo naming samahan sa trabaho. Si Tita Pilita naman ang nakadiskubre sa akin at isa sa aking mga mentor. Siya ang unang nagsabi sa akin na may hinaharap ako sa industriyang ito. At siyempre nariyan si Charice na bagamat pinakabata ay pinakamarami namang karanasan para sa kanyang edad, kaya sigurado ako na marami siyang maibibigay sa programa. Talagang excited ako na makasama silang lahat," pagpapaliwanag niya.
Kasing-excited din ni Martin si Gary na sabik naman sa pag-mentor ng contestants. Ibinahagi niya rin ang kanyang opinyon sa posibleng kumpetisyong mabuo sa pagitan ng mga judge-mentor.
"Kung may hahamunin man ako iyon ay ang sarili ko lang. Hindi ito hamon sa ibang judge-mentors kasi kanya kanya kami ng ideya kung sino ang may 'x factor.'Mapa-Boys man, Girls, Over 30s, o Groups ang sasanayin ko, siyempre sana mula sa grupo ko ang tatanghaling manalo. Para sa aming mga judge-mentor, hindi ang pagbabagsak sa kalaban naming grupo ang hamon kung hindi ang mailabas naman ang pinakahusay nila sa larangan ng pagkanta at pagtatanghal," sabi ni Gary. ary.
Samantala, amindao naman si Pilita, na hindi baguhan pagdating sa pagiging judge ng mga talent searche, na malaking hamon para sa kanya ang "The X Factor Philippines" dahil kakaiba ang show na ito kumpara sa ibang show kung saan naging hurado na siya.
"May mentoring na kasama dito. Hindi lang kami naghahanap ng boses, kundi naghahanap din kami ng personalidad na bebenta sa buong mundo. Kung kami ay naghahanap lang ng tao na magaling kumanta, libu-libo ang nasa bansa. Sa bawat kalye ay meron niyan, pero kailangan nila magkaroon ng "x factor." Kahit kami ay hindi mapaliwanag kung ano 'yon pero malalaman namin sa aming mga sarili kapag nakita na namain 'yon sa isang tao," sambit ni Pilita.
Sisimulan na nga nilang pumunta sa iba't ibang bahagi ng bansa kasama ang host na si KC Concepcion. Una ng sumali si KC sa unang set of auditions at maging siya ay namangha sa husay na pinamalas ng mga Pinoy.
"Ang gagaling talaga nila. Mabibigla ka na lang sa kaya nilang gawin. Talagang totoo ngang nasa Pilipinas ang pinakamahuhusay na singers. Mayroon ngang isang karenderya vendor, suot ang kanyang duster, na hindi mo aakalaing kaya bumirit ala-Whitney Houston," bahagi ni KC.
Unang tutungo si KC at mga judge-mentor sa gaganaping auditions sa Miyerkules (May 16) at Huwebes (May 17) sa Hoops Dome sa Cebu City.
Magpapakitang gilas naman sa kanilang harapan ang mga taga-Mindanao sa May 23 at 24 sa Davao Del Sur Coliseum.
Hindi naman papahuli ang mga taga-Maynila at mula sa iba pang bahagi ng Luzon sa auditions na gaganapin sa May 30, 31, at June 1 sa PAGCOR Theater sa Paranaque City.
Bukas ang nasabing auditions sa publikong nais manood. Manatili lamang nakatutok sa ABS-CBN para sa mga lugar kung saan maimigay ng libreng tickets. Para sa nais manood sa gaganaping auditions sa Davao ay maaring kumuha ng ticket sa ABS-CBN Davao sa May 19, 1 PM at sa May 21 sa mismong venue sa parehong oras.
Para naman sa nais mag-live audience sa Manila ay pumila lamang sa ABS-CBN audience entrance sa Sabado (May 16), 1 PM.
Ang "The X Factor" ay isang worldwide hit franchise na nagsimula sa UK sa pamumuno ng grupo ni Simon Cowell. ABS-CBN ang nakakuha ng ekslusibong rights na i-localize ang programa. Ipamimigay din nito ang pinakamalaking papremyo sa isang talent search sa kasaysayan ng Philippine TV na aabot hanggang P4 million.
Pakaabangan ang biggest musical event ng taon na "The X Factor Philippines," kasama si KC Concepcion bilang host malapit na malapit na sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment