Tikom pa rin ang bibig ng indie actor na anak ni Jose Manalo na si Nicco Manalo patungkol sa sitwasyon ng kanilang pamilya at itinanggi rin na galit siya sa kaniyang ama. Matatandaang nagkaroon ng problema si Jose at ina ni Nicco na si Annalyn dahil umano sa pakikipagrelasyon ng komedyante sa isang dancer. Iniwasan na ni Nicco Manalo magbigay pa ng komento sa partikular na detaye patungkol sa amang si Jose Manalo. Aniya, kasalukuyan na raw itong nasa korte kung kaya hindi na raw ito dapat pag-usapan pa. Ayon kay Nicco, masyado na raw makulay ang buhay nila ng kaniyang pamilya at mukhang nadagdagan pa nang malaman ng publiko ang awayan ng amang si Jose at asawa nito.
Marami ang hindi nakakakaalam na may anak si Jose Manalo na nasa industriya ng pag-arte at ito ay ang kaniyang anak na si Nicco Manalo. Siya ang panganay na anak nina Jose at Annalyn sa limang magkakapatid. Kasalukuyang namamalagi si Nicco sa isang city resort na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya. Matagal nang humiwalay si Nicco Manalo sa tahanan ng kaniyang mga magulang simula nang siya ay magtrabaho. Gusto raw ni Nicco na malaman na hindi lang siya anak ng isang sikat na komedyanteng si Jose Manalo kundi siya mismo ay isang aktor. Nagsimula si Nicco Manalo umarte sa teatro anim na taon na ang nakakaraan nang magtapos siya ng kolehiyo.
Nananatiling matatag ang binata kahit pa nasangkot sa isang iskandalo ang amang si Jose Manalo. Tumutulong naman daw si Nicco sa sitwasyon para maayos na ang gusot. Gusto rin makatulong ni Nicco Manalo sa pinansyal na aspeto ng kaniyang pamilya kung kaya gusto niyang maghanap pa ng trabaho. Aminado si Nicco na apektado siya sa kasalukuyang sitwasyon ng kaniyang pamilya lalong-lalo na at pareho silang humaharap sa publiko ng amang si Jose dahil sa kanilang mga trabaho. Positibo naman daw ang epekto sa kaniya bilang isang aktor ang naging problema ng kaniyang pamilya. Hindi itinanggi ni Nicco Manalo na hindi na sila madalas magkausap ng kaniyang ina. Samantalang si Jose Manalo raw at asawa nito ay may komunikasyon pa rin.
Natuwa naman si Nicco dahil nagawa ng amang si Jose na panoorin ang kaniyang dula na isang Filipino adaptation ng isang English play. Ayon kay Jose Manalo, matagal na umanong pangarap ng anak na si Nicco Manalo ang umarte. Maliit pa lamang ang binata ay mahilig na raw itong umarte, pagmamalaki pa ng kaniyang ama.
Wala naman daw tampo si Nicco sa kaniyang ama kahit pa hindi naging maganda ang imahe nito nang sampahan ng kaso ng sarili niyang ina. Ngayon ay abala na si Nicco Manalo sa kaniyang trabaho sa telebisyon at kasalukuyang  kasali sa seryeng Valiente. Kay Jose Manalo rin daw muna ipinaalam ng production na gusto nilang kunin ang binata para maging bahagi ng proyekto.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment